UPANG lalong maging malakas at epektibo ang kampanya laban sa mga crime incident sa Pampanga, 12 motorsiklo at 6 na Anfra jeep patrol ang ibinigay ng Provincial Capitol sa Pampanga Provincial Police.

Ang mga nabanggit na mga motorsiklo at patrol jeep ay nanggaling sa mga kaibigan ni Gob. Lilia "Nanay Baby" Pineda, ayon kay Senior Superintendent Petronio Retirado, Officer-In-Charge (OIC) ng PPPO.

Updates on President Benigno Aquino III's presidency

Malaki naman ang pinaabot na pasasalamat ni Retirado sa pagbibigay ng mga motorsiklo at patrol jeep sa Pampanga Police.

Sang-ayon kay Retirado isang malaking tulong ang ibinigay ni Gob Pineda at ang mga ito ay gagamitin ng kanyang mga tauhan sa pagpapatrolya ng 24/7 sa lalawigan ng Pampanga.

Sa pamamagitan ng 24/7 pagpatrolya, matitiyak namin na kahit papaano masusugpo namin ang crime incident sa Pampanga, pahayag pa ni OIC.

Matatandaan noong nakaraang buwan, nagsanay ang ilan PNP personnel sa Pampanga Police sa motorsiklo para sa paghahanda sa pagsabak sa mga motorcycle riding in tandem gunmen na naghahasik ng krimen sa lalawigan.

Sa police record, karamihan sa mga shooting at iba pang crime incidents nangyayari sa Pampanga ay mga riding in tandem sa motorcycle ang karamihan ng mga suspek.

At upang maging epektibo ang kampanya ng Pampanga Police laban sa mga masasamang elemento, maglalagay ito ng mga checkpoint sa mga bayan ng Mabalacat, Apalit, Floridablanca, Lubao at Magalang.

Ang mga ito ay maituturing na strong points, para hindi makapasok ang mga gustong gumawa ng krimen sa lalawigan, ayon kay Retirado. Sa mga nasabing checkpoint areas, magpupuwesto din si Retirado ng mga motorcycle riding cops.

Sa mga ibinigay na mga motorsiklo at patrol jeep ni Gob Pineda, malaking tulong ito sa Pampanga Police sa "Anti-Criminality," pahayag pa ni Retirado.

Siguro lalong magiging epektibo ang kampanya laban sa krimen kung maibibigay kaagad ni Gob. Pineda ang ipinahayag nito noon na P20 milyon na ibibigay nito sa Pampanga Police. Ang nasabing halaga ay manggagaling sa Intelligence Fund ng Pampanga Provincial Government.

Sa mga ibinigay na mga motorcycle at patrol jeep ni butihin Gob. Pineda, ang gagamit na mga pulis sa mga ito ay sana pahalagaan at gamitin na parang pag-aari ninyo.

Ang ibig ko pong sabihin, huwag gamitin ng bara-bara at dapat maganda ang maintenance nito.

Hanggang kailan po natin kaya makikitang tumatakbo ang mga motorcycle at patrol jeep na ibinigay ni Gob. Pineda? Nagtatanong lang po...

Reshuffle sa mga hepe sa Pampanga

Inaasahan na naman ang gagawin pag-reshuffle sa mga police station chief ni Senior Superintendent Petronio Retirado, OIC ng Pampanga Police Provincial Office.

Ito ang ipinahayag kamakailan ni Retirado sa Dateline na kung saan ayon sa kanya panibagong reshuffle ang kanyang gagawin sa susunod na linggo.

Ang nasabing reshuffle ay kinakailangan dahil ilan sa mga chief of police sa lalawigan ay mayroon na rin isa o dalawang taon ang kanilang tour of duty, pahayag pa ni OIC.

Ang gusto ko ay mga "fresh blood" ang ilalagay kong mga chief of police, ayon pa kay Retirado, hindi naman ito sinabi kung ano ang ibig sabihin nito ng "fresh blood."

Kaya kayo mga chief of police maghanda na kayo sa susunod na gagawing reshuffle ni Retirado.