SA PATULOY sa kampanya ng Highway Patrol Unit-3 na nakabase sa Camp Olivas laban sa mga gumagamit ng "wang wang" at iba pang uri ng gadget, umaabot na sa 158 ang kanilang nakumpiska.

Sang-ayon kay Senior Superintendent Edgar Tinio, regional director ng HPU-3, mula noong ipatupad ang kampanya laban sa mga wang wang kanyang inatasan ang lahat ng field officer sa Central Luzon na kumpiskahin ang mga ito.

Updates on President Benigno Aquino III's presidency

Umaabot sa kabuan 41 sirens, 37 blinkers at 80 fog lights ang mga nakumpiska ng HPU-3 mula Hulyo 1 hanggang Hulyo 13, ayon kay Tinio.

Ang mga nakumpiska ng bawat field office ng HPU3, sa Bataan 7 sirens, 8 blinkers, 22 fog ligts; Bulacan, 8 sirens, 3 blinkers; Nueva Ecija, 8 sirens, 9 blinkers, 54 fog lights; Pampanga, 4 sirens, 9 blinkers, 4 fog lights; Tarlac, 12 sirens, 5 blinkers; at Zambales, 2 sirens, 3 blinkers.

Sang-ayon kay Tinio ang nakumpiska ng HPU3 na mga siren at blinker, 16 nito ang kusang isinurender ng mga may-ari nito.

Ang lalawigan na pinaka-pasaway na gumagamit ng sirens at blinkers ay ang Nueva Ecija na kung saan umaabot na 71 ang nakumpiska ng HPU3 kabilang na dito ang fog lights.

Wala naman na-ireport ang HPU3 na nakumpiska sirens o blinkers sa lalawigan ng Aurora.

Mula nang ipatupad ni President Noynoy Aquino, ipinagmalaki ni Tinio na ang HPU3 ang mayroon pinaka-maraming nakumpiska na ilegal na gumagamit ng sirens, blinkers at fog lights kumpara sa ibang rehiyon maging sa National Capital Region na kung saan karamihan sa mga opisyales ng mga ahensiya ay pangkaraniwan ng gumagamit ng ganito.

Sa ngayon, ayon pa kay HPU3 director, wala ng nakikita ang kanyang mga field officer sa rehiyon na gumagamit ng wang-wang at mukhang natakot na rin ang mga ito dahil sa multang ipinapapataw ng batas at ang masakit dito ang pagkumpiska sa mga ito.

Hinihimok din ni Tinio ang mayroon pang mga siren at blinker sa mga sasakyan na kusang isurender na lamang sa kanilang tanggapan "without questions asked."

Mga naghintay kay Gob Pineda noong kick-off ng PCR month celebration noong Lunes - nalungkot

Noong Monday Flag Raising Ceremony (July 12) si Gobernadora Lilia "Nanay Baby" Pineda ang bilang "guest of honor and speaker" ng Police Regional Office-3. (PRO3).

Mga 7:30 a.m. pa lamang, puno ng mga Philippine National Police (PNP) personnel at mga police officer maging mga Non-Uniformed Personnel (NUP) ang naghintay upang makita si Gob Pineda.

Maging ilang media personalities ay naghintay kay Gob Pineda sa Monday Flag Raising na kung saan iyon ang araw bilang kick-off ng 15th Police Community Relations Month Celebration.

Nakita ng Dateline, halos lahat ng PNP personnel at police officers sa Camp Olivas ay masaya at nasasabik na makita ang unang lady elected governor ng Pampanga.

Nguni't ang kanilang pananabik na makita si Gob Pineda ay nasuklian ng lungkot dahil hindi ito nakarating at si Vice-Gov. Joseller "Yeng" Guiao ang pinadala bilang representante.

Karamihan sa mga PNP personnel sa Camp Olivas ay gusto makita ng personal si Gob Pineda at karamihan sa kanila ay bomuto sa kanya noong nakaraang eleksyon.

Sana daw maimbitahan nila si Gob Pineda sa ibang Monday Flag Raising Ceremony na maging guest and honor...

Mga awardee 15th PCR month

Ang Tarlac Police Provincial Office (TPPO) ang nakakuha ng best PCR Unit PPO category, Olongapo City Police Office ang awardee sa PCR unit CPO category.

Sa category ng Municipal Police Station at City Police Station ang nakatanggap ay ang Mariveles Police Station at Olongapo Police Station.

Si Superintendent Elsa Miranda, Police Community Relation officer ng TPPO ang best PCR sa Police Commissioned Officer (PCO) at si SPO2 Desiderio Noora ang Police Non-Commissioned Officer (PNCO) ang best PRC PNCO.

Si Balibago Barangay Chairman Rodelio Mamac ang "most supportive barangay" samantalang ang Korean Community in Central Luzon Association Inc. (KCCLAI) ang "most supportive Non-Government Organization" na kung saan si Kim Ki-Young ang tumanggap ng certificate.

Si Senior Superintendent Gil Lebin, Jr. commander ng Regional Public Safety and Management Battalion ang tumanggap ng certificate of award bilang Public Safety Battalion at Si Supt. Edgar Allan Okubo ang tumanggap ng provincial public safety company.

Sa mga awardee, mabuhay po kayo at congratulations!