MUKHANG maganda ang peace and order sa Pampanga nitong nakaraang dalawang linggo.

Ito ang naging obserbasyon ng Dateline, dahil walang naiuulat na crime incidents ang Police nitong ilang linggong nakaraan.

Updates on President Benigno Aquino III's presidency

Kung mayroon man ay mga minor crime incidents lamang ang pinararating na ulat ng Pampanga police sa Police Regional Office-3 (PRO3) sa Camp Olivas.

Naging maganda at maayos ang peace and order sa lalawigan, mula umano naupong bilang Officer-In-Charge si Senior Superintendent Petronio Retirado sa Pampanga Police Provincial Office (PPPO).

Pagkaupo ni Retirado sa PPPO, kanyang pina-igting ang anti-criminality sa lalawigan dahil na rin sa kautusan ni Chief Superintendent Arturo Cacdac Jr., PRO3 police director.

Itinalaga ni Cacdac si Retirado bilang OIC ng PPPO para sugpuin ang mga napaulat na mga crime incidents sa Pampanga.

Sang-ayon kay Cadac, si Retirado umano ang nakikita nitong puwedeng sumugpo sa mga crime incident sa lalawigan.

Si Gubernadora Lilia "Nanay Baby" Pineda ay nagbigay ng 12 motosiklo at anim na patrol jeep sa Pampanga Police upang magamit ang mga ito sa pagpapatrolya ng mga pulis sa lalawigan.

Tiyak na marami pang ibibigay na suporta si Pineda sa Pampanga Police upang maging peaceful and orderly ang lalawigan.

"Kapag maganda ang peace and order sa Pampanga, maraming investor ang magtatayo ng kanilang mga negosyo at kapag nangyari iyon maraming kabalen natin ang magkakaroon ng trabaho," pahayag ni Pineda kamakailan.

Ito ang gusto kong mangyari sa ating lalawigan na magkaroon ng mga trabaho ang ating mga kabalen, pahayag pa ng gubernadora.

Sang-ayon naman kay Retirado, kanyang gagawin ang kanyang makakaya upang maging peaceful and orderly ang Pampanga.

Sa pamamagitan ng ibinigay na mga motorsiklo at patrol jeep ni Gubernadora Pineda, magiging 24/7 ang gagawin pagpatrolya ng mga Pampanga Police personnel, ayon pa kay Retirado.

Sana maibsan o kaya ganap na mahinto ang mga crime incident sa Pampanga...

Inaasahan ng mga Kapampangan kay Retirado na maging peaceful and orderly ang lalawigan...