DAHIL nababahala na si Chief Superintendent Arturo Cacdac, Jr., Police Regional Office-3 (PRO3) police director, sa pagtaas ng robbery at shooting incidents sa Central Luzon, isang kautusan ang kanyang ipinalabas sa mga provincial at city police directors na lalo nilang pa-igtingin ang kampanya laban sa crime incidents na kagagawan ng mga riding in tandem on a motorcycle.

Batay sa statistics ng PRO3, umaabot sa 214 na shooting incident ang naiulat mula Enero 1 hanggang Hunyo 30.

Updates on President Benigno Aquino III's presidency

Sa nasabing bilang ng insidente, 49 dito ang maaring ikonsiderang na solve ang kaso nguni’t umaabot naman sa 165 na mga kaso ang hindi pa nareresolba hanggang ngayon.

Umaabot naman sa 73 shooting incident ang kagagawan ng riding in tandem at sa nasabing bilang 61 ang “unclear.”

Sa nakaka-alarmang robbery at shooting incidents na kagagawan ng mga riding in tandem ay kinakailangan na mga action plan/program ang bawat provincial at city police directors, sang-ayon kay Cacdac.

Sa kanyang nakikita ni Cacdac, wala umano plano o maging programa ang mga police director para sugpuin ito kaya dumarami ang insidente ng shooting na mga suspek na riding in tandem sa rehiyon.

Sang-ayon kay RD, sa kabila ng mga direktiba niya na pa-igtingin ang kampanya laban sa gunmen riding in tandem wala umanong ginawa ang mga police director para aksyunan ito.

Dahil sa pagdami ng shooting incidents, isang direktiba ang ipinalabas noong Lunes ni Cacdac para magsagawa ng “analysis” ang mga police director sa mga kaso ng riding in tandem criminal sa kani-kanilang area of responsibility.

Ito’y aniya para malaman kung mga riding in tandem suspects ay nag-ooperate na mag-isa o ito’y hawak ng isang organized crime group.

Sinabihan din ni Cacdac na maglunsad ang mga police director ng kani-kanilang programa na masusugpo ang mga riding in tandem criminal na makapag-operate at makapaghasik sa kanilang area of responsibility.

Kanya ring inatasan ang lahat ng mga provincial at city police director sa rehiyon na mag-sumite ng kanilang mga report ukol sa resulta ng kanilang aksyon laban sa riding in tandem criminals.

Alam po natin na marami ng crime incidents na ang mga suspek ay riding in tandem kaya dapat lamang ng pansin ng Philippine National Police (PNP) ang nakaka-alarmang pagdami ng mga shooting at robbery incidents sa Central Luzon.

Kinakailangan na magsagawa ng 24/7 mobile patrol ang PNP at magsagawa ng random checkpoints maging sa araw dahil walang pinipiling oras ang mga riding in tandem criminal.

Korean national na pinatay naresolba ng ACPO

Noong Biernes, sinalakay ng mga personnel ng Angles City Police Office (ACPO) ang apartment na tinutuluyan ng tatlong suspek sa pagpatay kay Kang Ha Yong sa Green Meadows Subdivision sa Mabalacat, Pampanga.

Ang tatlong nahuli kabilang ang kanilang lider na si Danilo Paredes, James Mina at Frelie Cabunos na pawang may standing warrant of arrest.

Ang mga suspek ay responsible sa pagbaril at pagpatay kay Yong noong Enero 30, sa harap ng Arirang Hotel sa Friendship Avenue, Barangay Anunas, Angeles City.

Sa masigasig na pa-follow operasyon ng Angeles City Police ay naaresto din nila ang tatlong responsable sa pagpatay kay Yong.

Nakumpiska sa apartment ng mga suspek ang isang ingram submachine gun, isang 12-gauge shot gun, isang pistolized shotgun at suspected shabu.

Mayroon ding military at police uniforms ang nakumpiska ng raiding team.

Kahit medyo nagtagal bago nahuli ang pumatay kay Yong nagkaroon naman ito ng magandang resulta.

Congrats sa ACPO …