Mukha yatang namamayagpag ang mga Police Chief Superintendent na Philippine Military Academy (PMA) Class ’81 sa pag-upo ni Presidente Benigno “Noynoy” Aquino.

Ang bagong upong Central Luzon police director na si Chief Superintendent Alan LM Purisima ay PMA Class ’81. Pinalitan ni Purisima si Chief Superintendent Arturo Cacdac, Jr.

Updates on President Benigno Aquino III's presidency

Nitong Martes ng hapon, isang turn-over ceremony ang ginanap sa Multi-Purpose Hall na kung saan si Purisima ang itinalagang bagong Central Luzon police director.

Kasabay din natalagang bagong director ng Special Action Force (SAF) si Chief Superintendent Catalino Cuy na PMA Class ’81.

Masuerte ang mga PMA Class ’81 sa pag-upo ni President Aquino dahil sila umano ang nabibigyan ng “sensitive” o magagandang posisyon sa Philippine National Police (PNP).

Dakong 3 p.m. na naganap ang turn-over ceremony sa pagitan nina Purisima at Cacdac at si Deputy Director General Perfecto Palad, chief ng PNP for operations ang guest of honor and speaker sa naturang okasyon.

Matatandaan na si Palad ay natalaga din sa Police Regional Office-3 (PRO3) at marami itong naging assignment sa rehiyon at ang panghuli ay noong siya ang Deputy Regional Director for Administration.

Napag-alaman na noong July 30 pa ang order ni Purisima mula sa Camp Crame nguni’t isinagawa lamang ang turn-over ceremony noong Martes. Bakit kaya umabot pa ng Martes? Nagtatanong lang po. Ano kaya ang dahilan bakit nitong Martes lang isinagawa ang turn-over? Nagtatanong lang po.

Siyempre bago nangyari ang turn-over, pinasalamatan ni Cacdac ang lahat ng kanyang staff officer, provincial at city police director, at mga police officer sa ibinigay nilang suporta sa kanya.

Ibinida din ni Cacdac ang kanyang maraming “accomplishment” sa maikli nitong panunungkulan bilang Central Luzon police director. Kanyang ibinida ang pagkakaroon ng peace and orderly elections sa rehiyon.

Sa nakalipas na mahigit apat na buwan ni Cacdac, ibinida din niya “naibalik sa tamang landas ang lahat sa PRO3.”

Ayon pa kay Cacdac naging “pilot” ang PRO3 sa Intergrated Information Program System na ipinatutupad ni Chief PNP Director General Jesus Versoza.

Halos lahat nasa tama na, pahayag ni Cacdac at ang gagawin na lamang ni Purisima ay maghanap ng kalaban o “kriminal” pabiro nito sa kanyang speech.

Sang-ayon pa kay outgoing RD naging “Modelo” ang PRO3.

Pabiro din sinabi ni Cacdac na sa loob ng apat na taon siya’y nagdarasal upang maging Police Regional Director “kahit sandali lang.” At ako’y pinagbigyan pahayag pa niya.

“Aalis ako sa PRO3 na masayang opisyal kung baga sa tren na tumatakbo ay naiayos ko ang lahat,” pabida ni Cacdac sa mga dumalo sa nasabing turn-over na dinaluhan nina Zambales Gov. Hermogenes Ebdane, Gov. Bellaflor Castillo-Angara at City Mayor Oscar Rodriguez.

Dumalo din ang iba’t ibang representante ng mga government agency sa Central Luzon upang saksihan ang turn-over ceremony.

Dumalo si Gov Ebdane dahil naging tauhan nito dati si Purisima noong siya ang provincial director ng Nueva Ecija.

Susunod ang speech ni Purisima…

Chief Superintendent Purisima, binabati kayo ng Dateline Olivas at mga opisyales at miyembro ng Camp Olivas Press Society (Cops) sa pag-upo ninyo sa PRO3 bilang Regional Director.

Welcome, Sir!