DALAWANG insidente ng crime incidents ang iniulat ng pulisya sa Pampanga.

Noong Agosto 13, isang Toyota Fortuner SUV (RFW-989) na minamaneho ni Roderick Pangilinan ang sapilitang kinuha sa kanya.

Updates on President Benigno Aquino III's presidency

Dakong 1:00 ng madaling araw ay pauwi noon sa Xevera Subdivision sa Calibutbut, Bacolor si Pangilinan kasama ang dalawang babae nang harangin ang kanilang sinasakyan ng tatlong armadong di-kilalang lalaki sakay ng isang Toyota Innova na walang plaka.

Pagbaba ng mga suspek sabay tinutukan si Pangilinan at sumakay sa Toyota Fortuner. Ang isa sa kanila ay kinuha ang manibela ng SUV sabay sibat patungong south direction.

Iniwan ng mga suspek ang drayber at dalawang kasama nito sa Bulacan at hindi naman sila sinaktan, ayon sa police report.

Kaagad namang inireport sa Bacolor Police Station ang nasabing insidente na kung saan isang manhunt operation ang kanilang inilunsad ngunit hindi rin narekober ang nasabing Toyota Fortuner.

Noong Martes, isang pulis at isang asset umano ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pinagbabaril sa Barangay Lagundi, Mexico, Pampanga.

Nasa likod ng Donya Isafel Building ng Barangay Lagundi sina PO1 Aban Almuente, 34, ng Barangay Poblacion, San Manuel, Tarlac at Jose Luis Abellanna, 39, ng Barangay San Bartolome, Sto. Tomas, Pampanga.

Si Almuente ay nakatalaga sa Special Action Force (SAF) sa Camp Bagong Diwa, Taguig at si Abellana na NBI asset ay nakatayo sa naturang gusali nang dumating ang isang Toyota Fortuner kulay puti walang plate number at pinagbabaril ang mga ito.

Namatay noon din ang dalawa dahil sa tama ng bala ng baril sa iba't ibang bahagi ng kanilang katawan mula sa M-16 armalite rifle at UZI Ingram.

Nang marinig ng security guard na si Jonie Robosa ang putukan ay tinignan nito subalit siya'y pinaulanan din ng bala ng baril. Siya'y ay nasa critical condition sa JBL Memorial Hospital dahil sa malubhang tama ng bala sa katawan.

Sa police report, napag-alaman si Abellana ay may anim na buwan na itong nangungupahan sa naturang gusali at si Almuente ay kanyang umano'y security escort.

Mukhang nalusutan yata ang Pampanga Police sa dalawang nasabing crime incidents at nagkulang umano ito sa police visibility o police presence? Nagtatanong lang po.

Kinakailangan na siguro na maglagay ng mga CCTV sa mga strategic area sa Pampanga upang hindi na malusutan ng crime incidents. Sa pamamagitan ng CCTV magdadalawang isip ang masasamang elemento na gumawa ng krimen sa Pampanga.

Mga bagong Staff Officer ni RD

Pag-upo ni Chief Superintendent Alan LM Purisima bilang Central Luzon police director, special operation procedures (SOP) na may dalang itong "trusted police officer."

Si Senior Superintendent Reyland Malinab, chief Regional Intelligence Division (RID), ay pinalitan ni Senior Superintendent Conrado Capa.

Ang dating chief ng Regional Comptrollership Division na si Superintendent Ganzon ay pinalitan ni Senior Superintendent Guillermo Eliazar.

Si Malenab naman ay itinalaga bilang Battalion Commander ng Regional Public Safety and Management Battalion. Pinalitan nito si Senior Superintendent Gil Lebin na natalaga naman sa Iloilo City bilang provincial police director.

Sina Eliazar at Malenab ay kapwa miyembro ng PMA Class '87 samantalang si Capa ay Class '86.

Si Senior Superintendent Nilo Talanio, PMA Class '84 ay bagong talagang Chief of Directorial Staff. Pinalitan niya si Senior Superintendent Keith Singian na natalaga naman sa Directorate for Intelligence and Detection Management (DIDM) sa Camp Crame.

Sino-sino pa kaya ang papalitan ni Purisima? Nagtatanong lang po.

Itong palitan ng mga staff police officer ay isang SOP kalakaran sa PRO3.