NOONG nakaraang linggo, na-relieve ang lahat ng Philippine National Police (PNP) personnel na nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Field (CIDF) Office sa Pampanga.

Ang "order of relief" sa 12 PNP personnel ng CIDF at sa kanilang field officer na si Chief Inspector Glenn Silvio ay nanggaling kay Police Director Leon Nilo dela Cruz, chief ng PNP CIDG Camp Crame.

Post your reaction to the Manila hostage crisis

Ni-relieve ni Dela Cruz sina Si Silvio ang 12 nitong tauhan dahil umano sa aligasyon ng ilang operators ng bar at club sa Angeles City sa di-umano bintang ng mga ito ng "extortion."

Umabot umano kay Angeles City Mayor Edgardo Pamintuan ang nasabing aligasyon kaya binigyan kaagad nitong pansin at inilapit niya ito sa CIDG upang mabigyan ng agarang aksyon.

Kaya ang nangyari aksyon kaagad ang ginawa at ang lahat ng PNP personnel sa CIDF ay na-relieve.

Maraming nagulat na mga police officers matapos mabasa sa isang pahayagang national ang ginawang pag-relieve sa lahat ng CIDF personnel.

Sabi nga ng mga police officer na nakausap ng Dateline, ngayon lamang nangyari na relieve ang lahat ng puwersa ng CIDF na hindi man lamang nagkaroon ng imbestigasyon sa mga aligasyon ng mga bar owners sa Angeles City.

Sabi ng police officers sana nagkaroon muna ng "due process" ang mga PNP personnel.

Sa panayam kay Senior Superintendent Richard Albano, regional officer ng Criminal Investigation and Detection Unit-3 (CIDU3) na nakabase sa Camp Olivas, dapat nagsampa muna ang mga biktima ng "extortion" sa korte laban sa buong PNP personnel ng CIDF na pinamumuan ni Silvio.

"Dapat nagpunta muna ang mga ito (victims of extortion) sa proper forum at hindi kaagad isiniwalat sa mga pahayagan," pahayag ni Albano sa mga reporter na nagkokober sa Camp Olivas.

Kasi ang nangyari, ayon sa mga police officers, mukhang nagkaroon ng "trial by publicity" at hindi man lamang naipagtanggol ang kanilang mga sarili sa mga ibinibintang sa kanila ng mga bar owners.

Sang-ayon pa kay Albano sa kasalukuyan ay mayroong "impending reshuffle na isinasagawa ang Camp Crame sa re-assignment ng PNP personnel na kung saan nakumplento na ang kanilang "tour of duty" at sina ay Silvio kasama sa nasabing reshuffle.

Ipinahayag pa ni Albano na isang masusing imbestigasyon ang isinasagawang ng kanyang tanggapan sa nasabing aligasyon.

Samantala ang lahat ng PNP personnel na ni-relieve sa CIDF ay pansamantalang itinalaga sa CIDU3 sa Camp Olivas pending sa kanilang imbestigasyon, pahayag pa ni Albano.

Itinalaga naman bilang Officer-In-Charge si Chief Inspector Ernor Melgarejo sa CIDF at iyong ibang ipinalit na na-relieve na personnel ay nanggaling sa bawat CIDF sa Central Luzon.

Harapan ng City Hall ginawang parking lot?

Ang harapan gusali ng City Hall ng City of San Fernando ay ginawa na lamang itong parking lot?

Ito ang mga katanungan ng ilang kababayan natin sa lungsod kung ito raw harapan ng city hall ay maaaring gawin parking lot? Nagtatanong lang po sila.

Ilang buwan na rin nakikita ng ating mga kababayan ang mahabang behikulo na nakaparada sa harapan ng City Hall at karamihan ng mga ito ay pawang mga city government vehicle.

At sa kabilang "lane" mayroon din nakaparadang mga behikulo, iyong iba pag-aari ng city government at iyong iba ay sa mga opisyales.

Doon din nakaparada ang "firetruck" ng city government kaya tuloy nagiging sanhi ito ng trapik sa nasabing lugar.

Sang-ayon sa mga kababayan natin, bakit hindi na lamang iparada ang mga behikulo ng city government sa loob ng compound ng Cathedral at magbayad mga ito.