PAGKATAPOS ng ilang araw sa pag-upo ni Chief Superintendent Alan La Trinidad Purisima bilang acting Police Regional Office-3 (PRO3) director, sinimulan din niya ang courtesy call sa mga gubernador sa Central Luzon.

Unang nagsagawa si Purisima ng kanyang kortesiya sa lalawigan ng Aurora na kung saan personal nitong pinuntahan si Gubernadora Benaflor Angara-Castillo.

Post your reaction to the Manila hostage crisis

Sa halip na sumakay sa helicopter si Purisima, “by land” ito nang nagpunta sa Aurora.

Pagkatapos naging sunod sunod na ang kanyang ginawang kortesiya sa mga gubernador sa rehiyon at nitong nakaraang linggo dumalaw ito kay Gubernadora Lilia “Nanay Baby” Pineda.

Tuwing magko-kortersiya si General, siyempre kasama nito ang ilan nitong staff officers at kasabay din ang kanyang isinasagawang pagbisita sa bawa’t provincial police office.

Kasunod sa kanyang pagdalaw sa mga provincial police office ang “briefing” ni General na kung saan kanyang ibinibigay ang mga “directive.”

Siyempre sa pagdalaw ni Purisima sa mga provincial police office, nagiging “busy” din ang mga provincial police director at kanyang mga staff officers.

Hangggang kasalukuyan hindi pa rin tapos ang ginagawang kortesiya ni General sa mga gubernador sa rehiyon.

Sino ba ang may “accomplishment” sa pagka-aresto sa RHB.

Isang “big accomplishment” para sa Pampanga Police Provincial Office (PPPO) ang pagka-aresto sa di-umano’y miyembro ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan (RHB).

Sa ginawang report ng PPPO, nahuli ang limang RHB sa isang checkpoint sa Barangay Sindalan, City of San Fernando noong Agosto 3.

Iba’t ibang klase ng mga baril at mga uri ng bala ang nakumpiska ng pulisya sa mga nahuling RHB na lulan sa kanilang kotse.

Sinampahan ng kaukulang kaso ng pulisya ang mga miyembro ng RHB sa korte, ayon sa report.

Sa report ng PPPO, ang talagang police officer na nakahuli sa mga RHB ay hindi umano sinama ang kanyang pangalan sa “big accomplishment.”

Hindi rin akalain ng nasabing police officer na mga miyembro ng RHB ang kanyang nahuli nang gabing iyon, ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline.

Sang-ayon pa kay IO, ang nasabing police officer ay unang tumawag ng kanyang suporta sa Sindalan Community Police Center (Compac) at kaagad naman dumating ang tatlong pulis.

Matapos masakote ng police officer at tatlong Non-Commissioned Police Officer ang di-umano’y RHB members tumawag ito kaagad ng suporta sa Pampanga Police.

Noong araw din iyon ay isinagawa ng PPPO ang pag-prisinta ng mga suspek sa media personalities sa Camp Olivas at siyempre nandoon din si Chief Superintendent Alan La Trinidad Purisima at mga army officer.

Sa ginawang press releases, nawala ang pangalan ng nasabing police officer. Bakit naman hindi isinama ang pangalan ng police officer? Nagtatanong lang po.

Sang-ayon din sa IO ang tatlong NCPO na nagresponde sa tawag ni police officer ay itinalaga sa ibang police unit pagkatapos dahil umano sa ginagawang “harassment” sa kanila.

Ang malaking tanong po dito, bakit naman hindi isinama sa police report si police officer? Nagtatanong lang po.

Sana bigyang aksyon ni Purisima ito…