SECTIONS
Thursday, November 15, 2018
BACOLOD

Ciar: Undressing Sofia Andres

DAGHAN tingale nga wala makaila ni Sofia Louise Andres, ang 14-anyos nga nagsugod sa mga TV commercial sukad niadtong tres anyos pa lang siya. Sa interbyu sa miaging anniversary shows sa Country Mall og Gaisano Main, usa-usa niyang gihukas ang iyang mga inhibition isip newcomer sa showbiz via ABS-CBN's top-rating seryeng "Princess and I". Padaplin una, Kathryn ug Julia Montes. Sofia Andres, Super ka!

Paano ka na-discover?

Kung minsan kasi sumasama ako sa bestfriend kong si Michelle Vito, who plays the kontrabida role sa Aryana. Nakita ako ng kanyang manager (Egay Cubelo). Tinanong ako kung gusto ko rin bang mag-artista. So, yun, binigyan agad ako ng role as sister ni Kathryn Bernardo sa Princess and I. Ito yung pinaka-first acting assignment ko.

Di ba under Star Magic ka?

Opo, si Egay Cubelo co-management ng ABS-CBN.


Bakit kayo naging close ni Michelle?
Classmate ko po kasi si Michelle at magkasama rin kami sa mga TV commercial since I
was eight.

Anong pinaka-una mong TV commercial?

Yung Angel Evaporada Milk with Judy Ann Santos. Six years old pa lang ako noon.

Sinong mga ka-batch mo sa commercial na sikat na rin ngayon?

Si Kathryn Bernardo nakasabay ko nung nag-audition kami sa KFC. Naka-brace pa siya noon. Ako po yung nakuha… Si Julia Montes nakasabayan ko rin. I was eight or nine pa lang siguro. 

Paano yung pag-aaral mo?

Binigyan po ako ng special privilege ng school namin. Every Monday lang ako pumapasok. Binibigyan nila ako ng thesis at assignments. Pasado naman po. Pero kung minsan naman, hindi. 

Hindi naiinggit yung mga classmates mo na binibigyan ka ng special privilege?

Minsan sinasabihan nila ako “bakit ka pa pumapasok mag-artista ka na lang.” Baka after high school dire-diretso na ako sa showbiz. Kasi mas manageable na yung college. Yung mama ko ayaw talaga nya akong mag-showbiz pero ngayon all-out na yung support nila. 
Kung sakali, anong kursong balak mong kunin?

Nung bata pa ako gusto ko ng fashion design. Pero gusto ng dad ko mahirap na course ang kunin ko, like doctor or lawyer. 

Saan nagwo-work ang daddy mo?

Sa Sta. Lucia sa marketing department. My mom siya yung chaperon ko. 

Pang-ilan ka sa magkakapatid?

Apat kami, ako yung pangatlo. Yung panganay namin, si Kuya, 18, engineering yung kinukuha niya. Yung pangalawa, my Ate, 17, is taking up Communication Arts naman. Then the youngest is only six years old, special child siya. But he’s ok naman. 
May foreign blood ba kayo?

Yung mom ko may dugong kastila. My dad naman may dugong Chinese.  

Ang dami mo sigurong manliligaw?

Ay wala. May nagpapalipad hangin pero never pa akong nagka-boyfriend. Bata pa po ako… hehehe kasi ayaw umalis ni mommy kaya walang nanliligaw. 

How tall are you? Wala kang balak sumali sa mga beauty pageants?

5’3”. Wala pa sa utak ko yan. Siguro pag-18 na ako. 

Hindi ba dapat sa Princess and I, kayo ni Kathleen ang magka-love triangle ni Daniel Padilla? Bakit biglang naging loveteam kayo ni Khalil Ramos?

Nag-klik po kasi yung tandem namin kaya kami yung ginawang partner. Sa teleserye kasi madalas nagbabago talaga ang script. 

Kumusta naman kayo ni Khalil?

Ok naman siya. Weirdo. Sometimes maingay nagwa-wacky face siya. Sometimes naman tahimik. We don’t talk that much. Pero sa bagong music video niya na “Kung Ako Na Lang Sana,” may special appearance ako doon. Parang love interest.  

Sinong mga showbiz crush mo?

Si Gerald Anderson, Enrique Gil. Mas gusto ko kasi yung mature sa akin. 

Kung wala ka sa set, anong madalas mong ginagawa?

Natutulog. Kasi T-TH-S yung taping namin at umaga na the next day kung matapos kaya pagdating sa bahay doon ako bumabawi. Akala ko nga di ako matutuloy sa Cebu kasi nag-viral infection ako for three days. Kagabi ang taas pa ng lagnat ko. Mabuti na lang naagapan kaagad. 

Pero hindi halata, anong beauty secret mo?  

Wala. Yung partner ng manager namin dermatologist kasi, siya yung nag-aalaga ng skin ko.   

Aside from Princess and I, wala pang naka-line up na ibang project ang ABS-CBN sa `yo?

Actually, kasali ako dapat sa bagong soap opera ni Piolo Pascual. Ako yung anak ni Diether Ocampo. Eh na-extend yung Princess and I sa February, kaya parehong naka-hold yung character namin.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!