Sangil: 'Last Two Minutes'

NOON pa man matagal ng balakin na ang mga tanggapan ng pamahalaan nasyonal ay ilipat sa Clark Freeport. Hindi natuloy. Hanggang balak lang. Ngayon naman may balak na ibenta ang Rizal Memorial Stadium sa Maynila at lilipat ito at magtatayo ng panibago dito sa Clark. Kagandang plano. Pero, tanong? Matutuloy kaya?

*****

Sa katotohanan, ang natatandaan kung unang nagpanukala ng mga paglipat ng maraming ahensiya ng gobyerno ay and dating gobernador ng Cebu na si Lito Osmena na pati ang palasyo ng Malacanang ay ilipat na rin sa Clark. Hanggang doon lang. Wala ring nangyari. Sana naman hindi ito manatiling isang balak lang. Tanggap ito ng marami.

*****

Sana pag-aralan nila muna kung sakaling magiging seryoso ang gobyerno at tuloy nga ang balak na paglilipat, saan dako ng Clark ito ililipat? Baka magugulat kayo na halos wala ng pwedeng malapad lapad na lugar ang pwedeng gawing government center. Nakatali sa lease agreements ang karamihang bakanteng lugar diyan sa Clark Freeport.

Heto pa ang mga tanong. May sapat na pondo ba ang gobyerno na pantustos sa paglilipat at magtayo ng daang daang mga gusali? O baka naman iilan lang malilipat at lalong magkalayo layo ang pupuntahan ng tao? Sabi nga niya gusto mong magpunta ngayon at kausapin ang isang congressman, pupunta ka ng Quezon City at pagkatapos kung gusto mong pumunta at may aasikasuhin ka sa Department of Finance, gugulgol ka ng isang oras para bumiyahe sa may Intramuros.

*****

Halimbawang inilipat na sa Clark Freeport ang kongreso, at hindi pa ang Department of Finance,na nasa Intramurous pa rin at may lakad ang tao sa dalawang tanggapan? Paano na?

Sa kalkula ko lang sa kadami ng tanggapan ng gobyerno hindi ito pwedeng sabay sabay ang paglipat sa mga ito. Ilan kayang taon bago matapos?

*****

Iniisip ko pa lang, parang gusto ko ng malula sa magiging takbo ng mga pangyayari. Una, kailangan maghahanap pa muna ng tamang lugar sa Clark na paglilipatan. Ang nakabakod na main zone ay mahigit na 4,200 hektarya at halos pinuno na nito ng mahigit na 600 locators. Sa labas ng bakod ng Clark ay kung tawagin ay subzone na nailipat na ang titulo nitong 10,000 hektarya sa mga indigenous people(IPs). Halos bulubundukin ang lugar na nasabi na at pinamumugaran ng mga informal settlers.

*****

Halimbawang naging seryoso ang gobyerno, nagkaroon ng pondo at tuloy ang proyekto at umabot na lang ng limang taon at nailipat na ang mga tanggapan, kongreso, senado, mga departamento at lahat ng ahensiya ng gobyerno. Ano na kaya ang mangyayari sa mga makitid na karsada ng Angeles at Mabalacat? Kikilos pa kaya ang mga sasakyan sa labas ng Clark Freeport. Ngayon pa lang hirap na ang pamahalaang lungsod ang kaniyang basura at problema sa trapiko.

Mayroong sinasabing green city sa may gawi ng bayan ng Capas. Sana matuloy yun. Kaso mo kung kailan patapos na si Pnoy at saka sila ngayon nagkukumahog. Kung kailan last two minutes.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph