24/7 patrolling ang agarang ipinatupad ni Chief Superintendent Raul Petrasanta, Police Regional Office-3 (PRO3) director, dahil sa mga sunod-sunod na insidente ng shooting, robbery/holdup incidents sa Central Luzon.

Ito ang “marching order” ni Petrasanta sa lahat ng mga Provincial at City Police directors, na dapat gawin 24/7 ang pagpapatrolya sa mga pangunahing lansangan sa kani-kanilang area of responsibility upang maibsan o mahinto ang mga insidente ng shooting at iba pang iligal na gawain ng mga lawless elements.

Matatandaan noong palapit na ang Holiday Season, maraming naiulat na insidente ng shooting/robbery/holdups sa mga lalawigan ng Pampanga, Tarlac, Zambales,Bulacan, Nueva Ecija, Angeles City at Olongapo City.

Ang mga nasabing mga lalawigan at dalawang lungsod ang naitalang maraming insidente ng criminal activities.

Batay sa report, ang lalawigan ng Nueva Ecija ang pinaka-maraming insidente ng shooting. Karamihan sa mga biktima ay pawang barangay opisyal at perpetrated by riders-in-tandem.

Ang latest na biktima ay si Ruperto dela Cruz, 62, barangay kagawad ng Mabuhay, Talavera, Nueva Ecija. Pauwi na sa kanilang bahay si Dela Cruz nang tambangan siya ng armed riders-in-tandem.

Bulacan ang pumapangalawa sa bilang ng shooting incidents na karamihan naman sa mga biktima ay negosyante.

Sa lungsod ng Angeles at Olongapo City, mga Akyat Bahay Gang ang madalas nag-ooperate mula nang buwan ng Nobyembre hanggang sa kasalukuyan, batay sa police report.

Sa Pampanga at Angeles City din nag-operate ang mga tinaguriang Bukas/Basag kotse gang kung saan marami na rin sila naging biktima nitong nakaraang buwan.

Mayroon din nairereport na mga insidente ng shooting/robbery-holdups sa Tarlac at Zambales.

Dahil sa “increase of reported shooting/robbery-holdup incidents” agarang ipinag-utos ni Chief Superintendent ang 24/7 patrolling sa lahat ng pitong lalawigan at dalawang lungsod sa Gitnang Luzon.

Ipinag-utos din ni Petrasanta ang “police presence” sa mga area na madalas nangyayari ang krimen.

Sana naman binigyan ng “ultimatum” ni Petrasanta ang lahat ng mga provincial at city police directors na kapag hindi nila maibasan ang criminality sa kanilang area of responsibility ay maaari silang “ma-relieve” sa kanilang puwesto.

--oo0oo--

Binabati ng Dateline si Luchie Miranda, isang Non-Uniformed personnel (NUP) na nakatalaga sa Regional Intelligence Division sa kanyang kaarawan noong Martes.