NAGING maayos at tahimik ang unang araw ng pagbukas ng klase noong Lunes.

Ito ang ipinahayag ni Chief Superintendent Raul Petrasanta, Police Regional Office-3 (PRO3) director, na kung saan sa lahat ng mga provincial at city sa Central Luzon ay walang inireport na "untoward incident" sa kanilang area of responsibility.

Naging maaayos at tahimik ang unang pagbukas ng klase sa rehiyon dahil sa deployment of PNP personnel at sa tulong din ng Barangay Peace Action Teams (BPATs).

Malaking tulong din ang ginanap ng mga BPATs sa pag-assist sa mga PNP personnel na ideneploy natin sa mga paaralan sa bawat lalawigan at lungsod sa Central Luzon, ayon kay Petrasanta.

Maging ang daloy ng trapik sa mga pangunahing lansangan ay naging maayos din dahil sa mga PNP personnel na tumulong sa pangangasiwa.

Naging epektibo ang pagtatalaga ng mga PNP personnel sa mga paaralan sa elemtarya, high-school at maging sa mga unibersidad sa rehiyon, payahag ni Petrasanta sa Dateline.

Tumulong ang mga PNP sa mga bata sa pagtawid sa mga pangunahing lansangan at maging ang pag-assist sa loob ng paaralan, ayon pa kay Petrasanta.

Bukod sa mga PNP personnel ideneploy sa mga ekwelahan, mayroon din mga Police Mobile car na nagpatrolya sa mga national highway at pagbabantay sa mga Motorcycle Riding Criminals (MRCs).

Naibsan ang snatching/robbery holdup incidents sa rehiyon noong Lunes dahil sa mga nakadeploy na mga PNP personnel at nagpapatrolyang Mobile car, payahag pa ni Petrasatan.

Sinabi ni Petrasanta na ginawa ang lahat ng trabaho ng mga provincial at city police director noong unang araw ng klase kaya naman naging smooth at peaceful ang araw na iyon.

--oOo--

Binabati ng Dateline ang bagong na-promote na Superintendent na nakatalaga sa Tarlac Police Provincial Office (TPPO).

Si Chief Inspector Manny Nunag kasalukuyan nakatalaga sa TPPO bilang chief ng Logistic (S-2) ay promote noong May 2, 2014 bilang Superintendent.

Si Nunag ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class ’92.

Nakilala ng Dateline si Nunag noong naging Aide Camp ni dating PRO3 director, Chief Superintendent Diony Ventura at panahon noon ang pagputok ng Mt. Pinatubo.

Sa iyo, congrats at mabuhay!