MAGPASALAMAT ko sa corporate communications assistant vice president sa GMA7-Manila nga way kukahadlok nga mitubag sa mga intriga ug isyu sa GMA-7 nga atong gibato atol sa iyang pagbisita dinhi sa Sugbo. Ang University of the Philippines Mass Communications graduate ang bag-ong pambato karon sa Kapuso Network sa public relations ug sa linya sa maayong komunikasyon. Nia ang akong Q and A sa atong bag-ong higala sa masa. Ms. Angela Javier-Cruz, Super Ka!

How true that Atty. Felipe Gozon has already sold majority of his shares to Mr. Ramon Ang?

From what I know hindi binibenta ni Mr. Gozon ang kanyang share sa GMA. Mr. Ang is interested to buy-in some shares but not a “buy-out”. As Mr. Gozon would put it, (the negotiation is) “progressing smoothly.” We really don’t know yet kung kaninong share ang bibilhin ni Mr. Ang because there are still two other families who own GMA: the Duavit and the Jimenez.

So, kahit may magaganap na bentahan yung ownership hindi magbabago?

Oo, walang pagbabago sa ownership. During the Directors’ meeting tinanong nga si Mr. Gozon kung may pagbabago bang mangyayari, ang sagot niya, “no changes.” Ganoon pa rin daw.

Totoo bang pinatawag ng management sina Louise delos Reyes at Aljur Abrenica? Totoo bang may relasyon yung dalawa?

Hindi naman sa pinatawag, parang pinagsabihan lang. Wala naman daw silang relasyon. Pero yung ibang staff sabi meron daw. Pati ako nalilito rin sa kanila. Alam mo naman ang kabataan ngayon. (laughs)

Bakit yung “Startalk” binalik na naman sa Saturday?

Kasi yung mga tao naging habit na nilang panoorin ang “Startalk” every Saturday. The feedback we got is parang naiilang sila kung Sunday.

Anong show ang itatapat n’yo sa “The Buzz” ng ABS-CBN?

Movies lang muna. Dati “Showbiz Central.” I don’t know yet kung magkakaroon ng talkshow sa Sunday baka something else.

Bakit tinanggal na ang team competition sa “Sunday All Stars” (SAS)?

Kasi minsan pag-competition nare-restrict sila doon sa kanilang team. At least ngayong wala ng team competition puwede na silang mag-perform with other artists.

Hindi ba dahil sa rating?

Hindi naman siguro kasi maganda naman yung rating ng Sunday All Stars especially sa Mega Manila panalo naman sila. We’re also leading in whole Luzon. Athough in national, we’re trailing just by a slim margin behind ABS-CBN.

Totoo bang tinanggal yung ibang artista sa SAS after nag-reformat?

Oo, actually medyo misunderstanding yun ng ibang artista. Not all of them every week nandoon. Minsan every other week or once a month. Hindi naman ibig sabihin kasi tinanggal ka, wala ka na. Kasi sa sobrang dami nila you cannot accommodate all of them in one episode. Mahirap. Tsaka magastos if all of them are there, di ba?

Totoo bang nag-away ang La Diva?

Nag-renew sila ng contract individually but not as La Diva anymore. Yun lang. (laughs again)

Anong status ngayon ni Richard Gutierrez sa GMA?

Well, ang contract ngayon ni Richard with us is with films, GMA Films. Wala siyang contract sa TV, freelance na siya. Kahit sina Ruffa, Raymond, Annabelle at Eddie wala silang exclusive contract ngayon, that’s why they are free to choose whatever channel they want, kaya may show sila sa E Channel. Maganda nga yun because they can appear anywhere.

Ilang pelikula ang gagawin ni Richard sa GMA Films?

He has a three-movie contract. His first is “Overtime” that will be shown in July. For now wala munang usapang exclusivity pero he’s always welcome to work with GMA.

What about Sarah Lahbati?

Hindi naman totally nawala si Sarah sa GMA. Nawala lang siya physically dahil umalis siya sa country but we never released her from her contract.

Paano na yung kaso nila ni Ms. Annette Gozon-Abrogar (presidente sa GMA films)?

Wala na yata kasi nagkaayos na sila e. Yes, I was even there nung nag-usap sila.

Parang wala lang. Parang “ay naku sana dati pa natin itong ginawa.” Parang ganoon, “sana dati pa tayong nag-usap.” Parang old friends lang.

Di ba co-managed si Sarah ni Annabelle Rama?

No, she’s under GMA. She wanted that initially before nung bago siya nawala, kaya lang hindi puwede yun kasi she’s already being managed by GMA Artist Center. So, may contract na siya.

Anong upcoming projects ni Sarah sa GMA?

Wala pa pero magkakaroon siya ng guestings sa “Magpakailanman,” “Sunday All Stars.” For sure, magkakaroon yan ng teleserye.

Ano pang mga upcoming teleserye ng GMA for 2014?

“Half-sisters” starring Barbie Forteza and Thea Tolentino, yung nanalo sa Protégé. Si Tom Rodriguez at Carla Abellana mayroon din silang gagawin this year pero minus Dennis Trillo.

Wala bang balak ang GMA gumawa ng sequel ng “My Husband’s Lover?

Gusto nga namin pero wala pa e.

Sinong decision na ilagay si Marian Rivera sa Eat Bulaga?

I think sa management team niya, di ba si Mr. Tony Tuviera (producer ng Eat Bulaga) ang manager niya. Siguro since tapos na yung soap niyang Carmela kaya she has more time now to do guestings. Ang maganda ni Marian at Dingdong kung hindi sila busy sa taping or while waiting for another soap, umiikot sila sa country, sumasama sila sa mga regional shows.