SOBRA na ang ginagawa ng mga opisyales ng barangay sa Pampanga sa paggamit nila ng mga Motorized Tricycle Patrol na ibinigay noon unang upo pa ni Gobernadora Lilia “Nanay” Pineda.

Halos lahat ng mga barangay sa lalawigan ay nabigyan ng isa o dalawang Motorized Tricycle Patrol ni Gob. Pineda at take note lahat ng mga ito ay bago.

Hindi lang mga Motorized Tricycle ang ibinigay ni Pineda dahil mayroon pa ibinigay siya ng mga Mini-double cab bawat barangay sa lalawigan.

Kaya naman namigay ng mga Patrol vehicles si Nanay ay upang magamit ng mga opisyales ng barangay na pang-patrolya sa kani-kanilang mga barangay.

At ang pagkaa;am ng Dateline, mayroon pa itong kaagapay na libreng gasoline upang wala silang (barangay officials) na kaya di sila nakapag-patrol sa kanilang mga barangay dahil walang gas ang kanilang Motorized Tricycle Patrol.

Walang maibigay na dahilan ang mga barangay official na wala silang gagamitin na pangpatrolya dahil walang laman gas ang kanilang Motorized Tricycle.

Nguni’t nitong ilang buwan, nakikita ng Dateline, ang paglipana ng mga ibinigay na Motorized Tricycle Patrol ni Gob Pineda sa mga pangunahing kalsada sa lalawigan.

At ang mga ito ay may sakay na ilang tao at mukhang ginagawa na itong panpasada ng mga barangay official.

May mga anak o mukhang isang pamilya ang sakay ng mga Motorized Tricycle patrol na kung minsan nakikipag-karera pa sa kahaban ng Mac Arthur highway.

Kaya naman pala dumamarami ang insidente ng robbery/hold-up sa mga barangay sa Pampanga dahil ang dapat gagamitin pang-patrolya ng mga barangay opisyal ay ginawang pang-pasada? Nagtatanong lang po..

Ang pondo na ginamit sa pambili ng mga Motorized Tricycle Patrol ay galing po sa mamamayan at hindi po ito galing kanino man.

Kaya dapat lang na gamitin ang mga ito sa tama at hindi sa mga personal na lakad.

Iyong iba nga Motorized Tricycle Patrol ay pinunturahan ng ibang kulay upang di siguro mapansin na ginagamit na panpasada.

Dapat na siguro gumawa ng imbestigasyon ng Kapitolyo at imbentaryo sa mga ipinamigay nitong mga Motorized Tricycle Patrol at panagutin ang mga barangay opisyal na ginagamit lang sa personal na lakad….

Ang tanong po dito, ang ipinamigay na Motorized Tricycle ni Gob ay para pampasada o personal na lakad ng mga barangay opisyal? Nagtatanong lang po.