NITONG nakaraan buwan, tumataas ang bilang ng karnaping sa mga motorcycles sa Central Luzon partikular sa lalawigan ng Pampanga, Angeles City at sa iba pang karatig bayan.

Ito’y batay sa mga police report na kung saan dumarami o tumataas ang bilang ng mga motorsiklo ninanakaw.

Ang latest na nakalap ng Dateline, noong Lunes sabay ninakaw ang dalawang motorcycle sa Angeles City.

Unang naging biktima si Kim Brylie Equinan, 18, isang estudiante at residente ng Barangay Salapungan, Angeles City.

Dakong 12:00 p.m. patungo sa Barangay Del Rosario ng nasabing lungsod si Equinan sakay ng kanyang Yamaha Mio Amore nang biglang harangin siya ng dalawang armadong lalaki sakay ng isang Yamaha Soul.

Biglang bumaba ang backrider at sabay tutok ng kanyang kalibre .45 at sapilitan pinababa ang biktima.

Pagkatapos sinakyan ng suspek ang kanyang motorsiklo patugong sa direksyon ng hilaga.

Dakong 3:00 p.m., ipinarada ni Jorhan Canlas, 16, isang estudiante at residente ng Sta. Cruz, Concepcion, Tarlac ang kanyang Suzuki Raider sa gilid ng Angeles University Foundation building sa Salapungan, Angeles City.

Paglabas nito sa klase, nagulat na lang ang biktima na wala na ang kanyang motorsiklo na nakaparada sa gilid ng gusali.

Dalawa na ang modus operandi ng mga magnanakaw ng mga motorcycle ginagamitan din ng dahas kagaya sa nangyari kay Equinan na kung saan tinutukan pa siya ng baril upang makuha ang kanyang motorsiklo.

Ano na nga ba ang ginagawa ng Highway Patrol Unit-3 na nakabase sa Camp Olivas at iyong mga Police Offices nasasakupan ng kanilang area of responsibility? Nagtatanong lang po…

Kawawa naman ang mga nagiging biktima ng mga karnaper dahil karamihan sa kanila ay hinuhulugan lamang nila ang kanilang motorsiklo at kahit nawala ito patuloy pa rin nilang babayaran…

Dapat na siguro magtulong ang HPU-3 at mga Police Offices sa rehiyon upang maibsan ang pagtaas ng bilang ng kinakarnap na motorcycles.

Binabati ng Dateline ang mga bagong itinalagang mga Senior Superintendent sa Police Regional Office-3 (PRO3).

Si Senior Superintendent Ronald Santos, PMA class '84 ang bagong Deputy Regional Director for Administration. Pinalitan nito si Chief Superintendent Wendy Rosario na siya ang bagong Regional Director ng PRO-11.

Pinalitan naman ni Senior Superintendent Melvin Ramon Buenafe, PMA Class '86 si Senior Superintendent Manuel Gaerlan na dating Deputy Regional Director for Operations. Si Gaerlan ay natalaga naman sa Camp Crame sa DPRM.

Samantalang si Senior Superintendent Timoteo Pacleb, PMA Class '86 ang pumalit sa puwesto ni Senior Superintendent Agripino Javier dati chief ng Directorial Staff.

Sa tatlong bagong talaga sa PRO3 welcome sirs!