Dalawang police officer maaaring ma-dismiss?

SA kanilang pagkakahuli sa dalawang guro ng Holy Angel University, ang dalawang police officer na miyembro ng Angeles City Police Mobile Patrol Unit ang maaaring masibak sa serbisyo.

Ang dahilan na kanilang maaaring ikitanggal sa serbisyo ay ang paghingi ng halagang P20,000 sa dalawang teacher upang hindi na nila ito kasuhan.

Batay sa police report, sina PO3 Lorena Calma at PO1 Mark Anthony Bagsic habang nagpapatrolya sa NEPO quadrangle sa bahagi ng Barangay Cutcut, Angeles City noong Martes ng dakong 6:30 p.m. sinita nila ang dalawang teacher ng Holy Angel University (HAU) na nakaparada ang kanilang sasakyan sa nasabing lugar.

Inaresto at inimbita ng dalawang police officer ang dalawa teacher at dinala sa Mobile Patrol Unit Station at doon sila kinausap na kung gusto nilang makauwi at hindi makasuhan ay magbigay sila ng P20,000.

Walang dalang ganoon halaga ang dalawang teacher, kaya ang ginawa ng mga pulis ay pinaiwan ang kanilang kagamitan at maghanap ng ganoon halaga.

Nugni’t ang ginawa ng isang teacher ay nagsumbong sa kanyang tatay na isang barangay kagawad pala at nakipag-koordinate ang huli sa police station para sa isang entrapment operation.

Sa nasabing entrapment operation ay nagduda si PO3 Calma kaya naman hindi natuloy ito.

Matapos malaman ni Senior Superintendent Eden Ugale, Angeles City police director, ang nasabing insidente kaagad nitong ni-relieved ang buong MPU na pinamumunuan ni Senior Inspector Felimon Oyan, PO3 Calma, PO1 Bagsic, PO1 Mijares Rehyes, PO1 Angelito Toribio at PO1Rachele Lugtu.

Sang-ayon kay Ugale ang mga nasabing na-relieved na mga police officer ay itinalaga niya sa City Personnel Holding and Accounting Unit para sa masusing imbestigasyon.

Sang-ayon pa kay Ugale sinampahan na nilan robbery/extortion sina Calma at Bagsic dahil sila ang mismong umano’y humingi ng P20,000 sa dalawang teacher kapalit na hindi na sila kakasuhan.

Hindi naman binanggit sa police report kung anong kaso ang isasampa sa dalawang teacher. Ano ba talaga ang kaso ng dalawa? Nagtatanong lang po…

Si Oyan na-relieved sa kanyang puwesto dahil sa command responsibility.

Sa pahayag ni Senior Superintendent Ronald Santos, Deputy Regional Director for Administration, ang dalawang police officer ay isasailalim sa summary dismissal proceeding at sila ay maaaring masibak sa serbisyo.

Dahil sa dalawang police officer nasira na naman ang “image ng PNP.” Di po ba?

Sa obserbasyon ng Dateline sa ilan taon na itong nagkokober sa Police Regional Office-3 karamihan sa mga PNP na nasasangkot sa illegal activities ay pawang mula PO1 hanggang SPO1. Bakit kaya nagtatanong lang po…

Calling board member Salvador Dimson Jr.....

Isang grupo ng mga Media Practitioner pawang Senior Citizens na ay nanawagan kay Board Member Salvador Dimson Jr.,

Si Dimson ang humahawak ng Senior Citizens committee at siya lamang ang makakatulong sa grupo ng Senior Citizens Media Practitioner na nagkokober sa Pampanga.

Ang grupo tumulong at nagbigay ng malaking "contribution" sa Pampanga upang ito'y naging progresibo at naglalambing kuyng maari ay mabigyan sila ng "financial assistance" ng Provincial Capitol.

Ang noong panahon ng pagputok ng Mt, Pinatubo at pagrasaga ng lahar sa lalawigan, hindi huminto sa pagsulat ang grupo upang bigyan ng "priority" ang Pampanga na isalba ito sa disaster.

Marami pang naisulat ang grupo at tumulong upang maging progresibo ang Pampanga sa kasalukuyan.

Sa Bulacan, ang mga Senior Citizen na Media Practitioner doon ay nabibigyan ng konting tulong ng Gobernador mula pa noong termino ni Josie Dela Cruz. At hanggang sa kasalukuyan tuloy pa rin ang pagtanggap ng kanilang allowances mula sa Bulacan Provincial Capitol.

Napag-alaman ng Dateline, isang resolution ang ginawa ng board member ng Bulacan noon upang makapagbigay assistance sa mga Senior Citizen Media Practitioner doon.

Sana sa Pampanga magawa din ng Pampanga Provincial Capitol na makatulong sa mga Media Practitioner Senior Citizens.

Kaya naman ang grupo ng Media Senior Citizens sa Pampanga ay nananawagan kay Board Member Salvador Dimson Jr., upang magawa ito ng resolution kagaya ng Bulacan board member...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph