Sapnu: Unang media pinatay nitong 2015

ISA na naman malaking isyu ang nangyaring pagbaril at pagpatay kay Nerlita “Nerlie” Ledesma, reporter ng Abante nitong nakaraang Huwebes ng umaga.

Naging talk of the town at national issue ang ginawang pamamaril ng mga suspek kay Ledesma, 47, resident e ng Tagnai, Barangay Tuyo, Balanga City.

Kaya naman ang bagong talagang Bataan Provincial Police Director, Senior Superintendent Rodel Sermonia ay masagasing iniimbestigahan hanggang ngayon ang nangyarin Media Killing sa kanyang area of responsibility.

Sang-ayon kay Sermonia ang nasabing pamamaril kay Ledesma ay related sa kanyang trabaho bilang reporter.

Ang tinitignan ng angulo ng Special Investigating Task Group (SITG) “Ledesma” ay ang land dispute at ang posisyon nito bilang pangulo ng Tagnai Home Owners Association.

Bagama’t walang kinalaman ang trabaho ni Ledesma bilang reporter ng Abante, ayon sa pulisya isa pa rin siyang media personality, ayon sa mga nakausap ng Dateline.

Si Ledesma ay naghihintay ng tricycle mga 50 metro layo nito sa kanyang tinitirhan nang siya’y barilin at mapatay ng Motorcycle Riding Criminals. Ang biktima ay patungo sa Bataan Capitol na kung saan siya’y nagtatrabaho doon.

Namatay noon din ang biktima dahil sa tama nito bala mula sa kalibre .45, ayon sa pulisya.

Ang SITG ay nakakuha ng isang saksi na kung saan kanyang inilarawan ang gunman ni Ledesma kaya naman nailabas kaagad ng Composite Sketch.

Noong Biernes ng gabi, isinailalim sa kustodia ng Bataan Police ang nasabing gunman nguni’t hindi ito binanggit ang pangalan.

Ang gunman na nasa kustodia ng Bataan Police ay nakakahawig ng Composite Sketch, ayon pa kay Sermonia.

Ang gunman kaya ay ikakanta nito ang mastermind? Nagtatanong lang po.
style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="1977900730">



style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="4158864647">


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph