Sangil: Iba na ang hitsura ng Clark ngayon

SOBRA na ang laki sa pagbabago ng hitsura ng Clark Freeport ngayon kung ihahambing ito ng ito'y Clark Air Force Base pa.

Ang mga karsada ay nilaparan. Dumami ang mga otels at iba'ibang klase ng negosyo. Pati ang paliparan ay naging moderno na. Ang terminal nito ay kasalukuang ginagawa pa, pero magiging world class ito at milyon milyong pasahero na ang pwedeng gumamit nito, ayon kay Clark International Airport Corporation (CIAC) President Alexander Caugiran.

Natatandaan ba ninyo noong mga nagdaang taon ay may balak na ang mga tanggapan ng pamahalaan nasyonal na ilipat sa loob ng Clark Freeport. Sukat talagang umpisahan na ito, para maibsan naman ang tuloy tuloy na pagsikip ng Metro Manila.(Decongestion). Kaya lang ang problema kokonti na ang isang lupang malaki para ikumpol ang lahat ng tanggapan pati na ang Malacanang. Pwede pa siguro doon sa may Clark Green City sa Capas,Tarlac. Siyam na libong ektarya ang lapad nito. At puspusan ang konstruksiyon dito ayon sa dalawang batang batang mga pangulo ng ahensiyang Clark Development Corporation na si Noel Manankil at Bases Conversion Development Authority Vince Dizon.

Heto pa ang isang tanong. May sapat na pondo ba ang gobyerno na pantustos sa paglilipat at magtayo ng daang daang mga gusali? O baka naman iilan lang malilipat at lalong magkalayo layo ang pupuntahan ng tao? Halimbawa gusto mong magpunta at kausapin ang isang senador pupunta ka ng Maynila. Pagkatapos gusto mong pumunta at may aasikasuhin ka sa Department of Education babagtas ka naman ng Nlex at Edsa para pumunta sa may Pasig City na kung saan ang tanggapan nito.

Iniisip ko pa lang, parang gusto ko ng malula sa magiging takbo ng mga pangyayari. Una, kailangan maghahanap pa muna ng tamang lugar sa Clark Freeport o Clark Green City na paglilipatan. Ang nakabakod na main zone ay mahigit na 4,200 hektarya at halos pinuno na nito ng mahigit na 600 locators. Sa labas ng bakod ng Clark ay kung tawagin ay subzone na nailipat na ang titulo nitong 10,000 hektarya sa mga indigenous people (IPs).

Halos bulubundukin ang lugar na nasabi na at pinamumugaran ng mga informal settlers. Pwede rin ang pook na ito. Patagin ang ilang daang ektarya at gawing four lane bridge ang patungo sa lugar. Madali na yun.

Halimbawang naging seryoso ang gobyerno. Build, build, build, sabi ni Pangulong Duterte at nagkaroon ng pondo at tuloy ang proyekto. Kunwari umabot na lang ng limang taon at nailipat na ang mga tanggapan, kongreso, senado, mga departamento at lahat ng ahensiya ng gobyerno.

Ang susunod na hakbangin siguro ay laparaan ang mga karsadsa sa dalawang magkatabing lungsod ng Angeles at Mabalacat. Sa teknolohiya ngayon madali gumawa ng mga skyways. Hindi po ito panaginip. Pwedeng mangyari ito.

Tweets:

+ Todo ang paghahanda sa Clark Airport sa mga pagdating ng mga pangulo ng mga bansa at ministro na lalahok sa Asean Summit.

+ Halos hindi mapagkatulog sila CDC President Noel Manankil at CIAC President Alex Caugiran.

+ Sana mabigyan ng parangal ng Pamahalaan ng Lalawigan ng Pampanga ang lahat ng sundalong nakihamok doon sa Marawi. Palakpakan po natin sila.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph