Sangil: Si Rogelio De La Rosa, isang ‘lodi’

NAALALA ko mga ilang taon ng lumipas nagkaroon ng pagtatanghal na tinawag na Cinekabalen Film Festival na ginanap noon sa may Plaza San Jose sa Lungsod ng Angeles. Isa sa mga pinarangalan noon ng isang posthumous recognition ay yumaong aktor na si Rogelio De La Rosa na tubong Lubao, Pampanga.

Si De La Rosa ay isinilang noong Nobyembre 12,1916 sa bayan ng Lubao. At siya'y sumakabilang buhay noong Nobyembre 10,1986. Ang tunay niyang pangalan ay Regidor, at ang Rogelio ay ang kaniyang screen name. Siya'y contract star ng Sampaguita Pictures na pagmamay-ari ng mga Vera-Perezes. Tinagurian siyang 'King of Philippine Movies'. Sa totoo lang noong panahon niya ang halos ang sanggol na lalaki na isinisilang noong mga panahon na yaon, pina-bibinyag nila sa pangalang Rogelio. Para bang noong panahon naman na sibol ang kariktan ng Gloria Romero ng Sampaguita Pictures, ang mga sanggol na babae ay kadalasan ay binibinyagang Gloria. (Nitong panahong ito ang mga batang Pilipino ay laging dalawa ang pangalan, ma lalaki or babae at karaniwan pangalang banyaga. Hindi na sinusunod ang kalendaryo kamukha noong araw).

Si De La Rosa ay lumabas bilang bida sa mga pelikulang, Ang Tangi Kong Pag-ibig, Jovita, Higit sa Lahat,Bituing Marikit, Principe Amante at marami pang iba na bukod na tumabo ng kita sa takilya ay mga nagkamit ng maraming parangal.

Isa pelikulang nilabasan niya na katambal si Lolita Rodriguez ay pelikulang Jack and Jill na nagbigay ng pagkakataon na mapansin ng publiko si Dolphy, na noong bandang huli siya naman ay tinanghal na "King of Philippine Comedy."

Bago pa pumasok sa pelikula si Rogelio De La Rosa, siya'y nasama rin sa mga zarsuelang Kapampangan na karaniwan na noong naunang panahon ay itinatanghal sa mga pyestang bayan. Papel ng kontrabida ang karaniwang papel na ginampanan niya, at ang papel bida ay ginagampanan ni Diosdado P. Macapagal, na kaniyang bayaw at kababayan.

Ang asawa ni Macapagal ay si Purita na kapatid ni Rogelio (namatay si Purita noong panahon ng gyera at si Macapagal ay nag-asawa muli sa isang taga Pangasinan kay Dra Eva Macaraeg). At si Lota Delgado na screen partner niya ang kaniyang naging kabiyak ni Rogelio. Si De La Rosa ang siyang kauna-unahang artista ng pinilakang tabing na naging senador. Pagkatapos ng kaniyang paglilingkod sa senado, siya ay naging ambassador sa The Netherlands at Cambodia.

Sinubukan niyang muling magbalik sa pulitika noong 1984, at kumandidato bilang assemblyman, subali't siya'y hindi pinalad. Pagkatapos niyaon, hindi na muli pa siyang nakita ng publiko, hanggang siya'y bawian ng buhay.

Hindi lang si De La Rosa na kapampangan ang nagningning ang pangalan sa matagal na panahon sa pinilakang tabing. Maaring hindi nga sila naging sikat kagaya niya pero malaki rin naman ang naiambag sa pelikulang Pilipino. At mga mga iba sa ibang sining naman. Ubos ang isang kwadernong papel kung ililista ang kanilang mga pangalan.

Tweets:

+Noong mga dekada singkwenta hanggang dekadang nobenta, tatlong movie production na malalaki dito sa Pilipinas. Ito ang LVN, Sampaguita Pictures at Premiere Productions.

+ Isang Kapampangan taga Macabebe, ang yumaong Abugado Esperidion Laxa ang nagtayo ng isang film outfit na tinawag niyang Tagalog Ilang Ilang Production ay naging matagumpay din. Pero naglaho din noong bandang huli gaya noong tatlo.

+ Ang uso ngayon ay ang mga Indie films. Low budgeted pero marami na ring mga kababayan ang nagkakaroon ng interes na panooring ang mga ito.
style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="1977900730">



style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="4158864647">


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph