Sapnu: Basag Kotse gang sa Robinson starmills

TALAMAK na yata ang mga insidente ng Basag Kotse sa City of San Fernando?

Noong Oktobre 27, anim na behikulo ang naging biktima ng tinagurian Basag Kotse Gang.

Ang nasabing anim na behikulo nakaparada sa parking area ng Robinson Starmills na kung saan nawalan ng malaking halaga at kagamitan sa kani-kanilang mga sasakyan ang mga biktima.

Sa report, ang mga behikulong nabasagan ng bintana ng kani-kanilang sasakyan kabilang ang Isuzu Sportivo SUV (XTM-444) pag-aari ni Melinda Clarin, 51, ng Barangay San Vicente, Apalit; Honda Civic sedan (ZKA-795) ni Ed Christopher David, 26, ng Barangay Sta. Ines, Pampanga; Nissan Juke (OXO-045) ni Jamir Jazer Salita, 35, ng Barangay Arenas, Arayat.

Sa report ang tatlong pa iba pang nabiktima ay ang isang Isuzu Crosswind, Ford Escape and Mitsubishi Estrada. Hindi inireport kung sino sino ang may-ari ng tatlong sasakyan at kung ano natangay.

Natangay sa loob ng behikulo ni Clarin ay P20,000, BIR ID, UCPB/PBI/Landbank, ATM card, jewelry, credit card, iPhone, samantalang nanakaw kay David ang isang Lenovo Laptop, external hard drive at kay Salita ang isang sling bag naglalaman ng P 200,000, Kia Rio original key, pay to cash check, Bank of Florida passbook at mga dokumento.

Sang-ayon sa report, ang nasabing insidente ng Basag Kotse ay naganap sa pagitan ng 5:30 p.m. hanggang 8:30 p.m. noong Biernes.

Ano kaya naging aksyon ng management ng Robinson Starmills sa nasabing Basag Kotse? Nagtatanong lang po. Mukhang mahina ang seguridad ng Robinson Starmills?

Naalarma at natatakot na ang mga shoppers magpunta sa Robinson Starmills dahil sa insidente ng Basag Kotse.

Biro naman ninyo, sa loob ng dalawang oras, anim na behikulo ang nawalan ng mahahalagang gamit sa loob ng kanilang sasakyan.

Noong Oktobre 29, isang Toyota Vios nakaparada malapit sa Party Place sa Barangay Dolores ang naging biktima ng Basag Kotse gang. Umaabot sa P20,000 cash ang natangay ng mga kawatan sa nasabing kotse.

Ano kaya ang naging aksyon ng hepe ng City of San Fernando Police sa sunod-sunod na Basag Kotse? Nagtatanong lang po..

At ano naman ang gagawin aksyon ni City Mayor Edwin Santiago sa nasabing pangyayari. Papalitan ba niya ang kanyang hepe? Nagtatanong lang po ang mga Fernandino/Fernandina?

Sabi nga ng mga Fernandino/Fernandina sana mabigyan agarang aksyon ni Santiago ang nasabing insidente ng Basag Kotse.

Abangan po natin ang magiging aksyon ni Mayor?

Mabagal na pagresponde ng COMPAC Dolores???

Noong Oktobre 31, muntik ng manakaw ng tatlong lalaki ang ATM booth ng Metrobank–Dolores branch sa Barangay Dolores, City of San Fernando.

Nangyari ang nasabing insidente ng dakong 3:30 a.m. ng Linggo na kung saan tinangka ng mga suspek na buksan ang cassette door ng ATM machine ng Metrobank.

Buti na lamang ang dalawang security guard ng Night Hawk Security Guards Manuel Martinez and Eduardo Apuhin ay na alarman ang tinignan ang narining ang ingay sa harap.

Kumaripas naman ang mga suspek nang makita ang mga ito ang dalawang guard.

Sang-ayon sa Intelligence Officer ng Dateline, umabot umano ng 30 minutes bago nakapagresponde ang COMPAC personnel sa Metrobank na kung tutuusin wala pang isang kilometro ang layo nito sa Dolores intersection.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph