SA PATULOY pagtaas na bilang ng krimen sa bansa, minabuti siguro ni Pangulong Duterte na ibalik sa Philippine National Police ang gera sa droga.

Maging ang National Bureau of Investigation (NBI) ay kasama na rin laban sa kampanya sa illegal drugs.

Subali’t ayon kay Duterte ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang “lead” agency laban sa illegal drugs.

Sa kanyang pahayag (Duterte) sa pagbisita nito sa Clark Freeport, kanyang ipinagdiin na kanyang tatapusin ang problema sa droga hanggang sa huli nitong termino.

Matatandaan sa pag-upo ni Duterte bilang Pangulo, kanyang ipinahayag na sa loob ng anim na buwan ay kanyang tatapusin ang problema sa droga.

Nguni’t ito’y hindi nag-“materalize” dahil sa maraming kadahilanan at sa pagdami ng mga illegal pusher/user.

Kaya naman sa noong nakaraang linggo, kanyang ipinahayag na magsasanib puwersa ang PNP at NBI laban gera sa droga.

Ang pagsasanib puwersa ng PNP at NBI ay magiging epektibo ang dalawa kampanya laban sa illegal drugs sa bansa.

Ito’y napatunayan nang ang PNP nang nanguna laban sa illegal drugs. Maraming drug pushers/users ang casualties dahil sa halip na sumuko ang mga ito ay nakipagpalitan ng putok sa mga operatiba.

Ang naging resulta ng PNP sa gera sa droga, bumaba ang crime rate sa bansa, nguni't nang ipahinto ni Duterte sa PNP ang kampanya sa droga biglang tumaas ang bilang ng krimen sa bansa.

Maraming sektor sa lipunan ang naging kritiko ni Duterte dahil sa pagdami ng casualities, na naging sanhi niya na ipahinto sa PNP ang gera sa droga.

Subali’t sa pagtaas ng bilang insidente ng krimen sa bansa, ibinalik ng Pangulo sa PNP at sa NBI ang gera sa droga.

Sa pagbabalik sa PNP at NBI gera sa droga, aasahan na natin muli ang maraming casualties????

Abangan po natin nitong susunod na araw sa magiging aksyon ng PNP at NBI....

Ang pagbalik muli kaya sa PNP at NBI ang gera sa droga, aasahan pa natin ang pagbaba ng bilang ng insidente ng krimen sa bansa???? Nagtatanong lang po...