Sangil: Malamig ba ang pasko?

RAMDAM niyo ba ang simoy ng hanging Pasko? Parang hindi, ano po? Ito iyong sinasabing hanging amihan, na nangagaling pa sa mga katabing bansa na may Four Seasons na katulad ng Korea at China na nababalutan ng niyebe at umaabot sa atin simula pa lang ng unang araw ng Disyembre.

Mukha talagang malaki na ang ipinagbago ng ating panahon. Naalala ko pa noong aking kabataan, halos tinatamad kang maghilamos pagka-gising mo dahil animo'y yelo ang lamig ng tubig.

Akay kami ng aking nanay sa mga simbang gabi na nagsisimula sa alas kwatro ng madaling araw, at maglalakad ng halos isang kilometro, at habang naglalakad ay ginaw na ginaw sa dampi ng hangin. Ito iyong pasko ng ilang dekadang nagdaan.

Itong taong ito, 2017 parang bulang naglaho ang malamig na hangin ng Pasko. Kahit sa madaling araw, bahagyang-bahagya lang ang lamig, at hindi na ito nanunuot sa kalamnan na katulad ng dati. Ang lamig ay dahil lang sa mga bahagyang ulan dala ng bagyong Urduja na kasalukuyang nanalasa sa Eastern Visayas at kabikulan.

Wala na iyong nakalakihan kong eksena na kung saan ang mga tao ay nagsisiga at pinapaligiran ito habang kinikiskis ang mga palad at animo'y sinisilaban ang kamay.

Sabi sa akin ng kaibigang Rox Pena, isang environmentalist, ito raw ang epekto ng climate change dahilan sa pagka sira ng ozone layer, ang naglalambong sa ating planeta para hindi tagus-tagusan ang init ng araw.

Sabi naman ng isang forecaster ng Pagasa na narinig ko sa report niya sa isang palatuntunan sa radyo, itong hangin amihan galing ng bansang China ay tumatawid ng dagat, at komo mainit ang karagatan, ang hanging malamig ay sinasamahan ng init.

Ito na siguro ang resulta ng abuso natin sa kalikasan. Walang habas na pagputol ng mga kahoy, pagtapon ng basura kahit saan, walang mahigpit na pagpapatupad sa mga umiiral na batas patungkol sa pollution control. Tama ba ako Cecil Yumul?

Noong aking kabataan, pag ikaw ay bumiyahe patungong Maynila, pamula Angeles tanaw mo na mula sa sinasakyan mong bus sa dinadaanan mo, ang mga bukirin sa magkabilang gilid ng kakarsadaan.

Ang mga kabahayan ay nakakumpol lang sa mga kabayanan, halimbawa sa San Fernando o kaya Malolos. Subalit ngayon, sa mahigit na 80 kilometrong binabagtas ng Macarthur Highway patungo Manila man o patungong norte, mga subdivision, mga kabahayan at mga pagawaan ang nakapaligid dito.

Pansinin ninyo ang Subic-Clark-Tarlac Espressway (SCTEX) hanggang diyan sa Tiplex. Kung nagka-taon kayo po ay nakapag-biyahe na at binagtas na itong expressway na ito, tiyak akong sasabihin ninyo sa sarili niyo na napakaganda ng kapaligiran. Sa magkabila ay mga maraming mga puno at bukirin pa. Walang bahay na malapit. Walang mga pagawaan. Walang mga subdivision.

Ito ang aking tanaw sa paligid ng Macarthur Highway mga apatnapung taong nakaraan. Ganoon din kaya ang mangyayari sa paligid ng SCTEX at TIPLEX pagkatapos ng apatnapung taon? Kapag nagka-ganoon, tuluyan ng mawawala ang simoy ng hanging pasko.

Tweets:

+ Salamat sa CDC, CIAC AT BCDA sa imbitasyon ninyo sa akin sa Christmas Party na ginanap diyan sa Fontana Convention Center.

+ Salamat din sa kay Mabalacat City Mayor Cris Garbo sa buffet breakfast at regalo na inihandog sa mga media persons, kasali na ako doon.

+ Kinumbida ni negosyanteng Bong Alvaro ang mga barangay kapitan ng Lungsod Angeles sa isang marangyang piging sa Hotel Midori, samantalang ang negosyo niya sa loob ng Clark Freeport ay sakop ng Mabalacat, sabi ng isang peryodista. Hintay lang kayo baka naman magbago isip niya na imbes na mayor sa Angeles ay Congressman ang tatakbuhin.
style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="1977900730">



style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="4158864647">


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph