Sangil: Pamaskong handog 2017

'Pasko na naman, oh kay tulin ng araw
Paskong nagdaan, para kung kailan lang...'


LAHAT ng bata ay naniniwala kay Santa Claus. Nagsasabit ng medyas sa may pinto, dingding o malapit sa bintana para kahit tulog ka, pag dumating si Santa may dala itong regalo at isisilid sa medyas na nakasabit.

Ngayong Paskong ito, ako muna ang Santa Claus ng SUN.STAR PAMPANGA at mamumudmud ako ng regalo. Iyong nakalimutan bigyan, sori next year na lang.

President Digong - Another ten more years in Malacanang.

Mayor Sara Duterte - Pagmamanahan ni Tatay Digong ng Malacanan.

Pangulong Noynoy, Butch Abad at Janet Garin - Expired Dengvaxia vaccines at iturok sa magkabilang ulo.

Senador Richard Gordon - Sampung mikropono

Chief Justice Maria Lourdes Sereno -- Mahabang bakasyon sa Coron, Palawan.

Dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo - Malusog na pangangatawan at maraming oras na kapiling ang pamilya,lalo na iyong mga apo. At one more time bilang senador.

Ombudsman Conchita Carpio Morales - Same ng kay CJ.

Governor Lilia 'Nanay' Pineda - Malusog na malusog na pangangatawan para matulungan lahat ng nangangailangan ng tulong, at quality time naman para sa mga apo.

Businessman Rodolfo ‘Bong’ Pineda - Maraming oras ng pahinga. At magiging kampeon sa wake boarding.

Vice Governor Dennis ‘Delta’ Pineda - Governorship in 2019.

Congressman Rimpy Bondoc - Speakership at malaking PDAF.

Senior Board Member Ferdinand ‘Dinan’ Labung - Vice-Governorship in 2019.

Cdc President Noel Manankil - Mga dagsang namumuhunan sa Clark Freeport,at malaking pondo para lalong ikagaganda ng Clark.

CIAC President Alex Caugiran - Isang airport terminal na mas malaki pa sa Changi airport ng Singapore.

Congressman Vic Yap - Pili siya bilang senador o customs commissioner.

Mayor Ed Pamintuan - Malaking lupa sa kabayanan para sa isang parke.

Mayor Edwin Santiago - Maraming bahay kalakal at pagawaan para lahat ng Fernandino ay may trabaho.

Mayor Cris Garbo - Tatlong term pa bilang alkalde ng Lungsod Mabalacat.

Levy Laus - Isang malaking plantang pagawaan ng sasakyan sa may Detroit, Michigan

Rene Romero - Panguluhan ng Philippine Chamber of Commerce and Imdustry.

Jess Nicdao - Kalat na food chains sa Asia at America.

Ferdie Beltran - Hotel chain na puro five star.

Rico Guilas - Cooking show sa national TV.

Dennis Uy - Tycoon status. Isang radio-TV station doble ang laki kaysa ABS CBN.

Perto Cruz - Isang magandang golf course tatlong beses higit ang ganda kaysa Augusta.

Sa mga kasama ko sa media isisilid ko sa medyas nila ang maraming maraming pera na ipamumudmud nila kung kani kanino. Pasensiya iyong walang medyas.

Nakita ninyo naman. Hindi na ako nagtipid. Kwento na lang titipirin ko pa ba, di ba? MALIGAYANG PASKO SA LAHAT!
style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="1977900730">



style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="4158864647">


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph