Sapnu: Corpus nagbabala sa mga pulis magpapaputok ng kanilang baril

MAHIGPIT na ipinagbabawal ni Chief Superintendent Amador Corpus, Police Regional Office (PRO)-Central Luzon sa lahat ng personnel ng Central Luzon police na indiscriminate firing of issued firearms.

Kada taon mayroon pa rin mga pulis ang nahuhuli nagpapaputok ng kanilang issued firearms pagsalubong sa Bagong Taon.

At ang mga ito ay kinasuhan ng PRO-3, subalit hanggang doon lamang. Kaso lamang hindi naman umusad.

Kaya naman ngayon tinitiyak ni Corpus na kanyang sasampahan kaukulang kaso ang sinumang pulis ang mahuhuling nagpapaputok ng kanilang issued firearms.

Kakasuhan ang mga ito ng administratibo at maaari din matagal ang mga ito sa serbisyo depende sa isasampa kaso sa kanilang ginawang paglabag sa utos ni Corpus.

Nakatakda din ang pagsilyado ng mga issued firearms ng mga pulis sa darating ng llinggo bago ang pagsapit ng Bagong Taon.

Sa nakaraang taon, sa kabila ng nakasilyado ang issued firearms mayroon pa rin nakakalusot ng pulis pinuputok ito.

Sang-ayon kay Corpus, bubuo ito ng isang police team upang sila ang mag monitor sa mga pulis na lalabag sa kanyang kautusan.

Kaya mga personnel ng Central Luzon police, huwag magdalawang isip ng iputok ang inyong baril dahil hindi nagbibiro si General Corpus na maaari kayo masibak sa serbisyo.

Abangan po natin...




style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="1977900730">



style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="4158864647">


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph