Sangil: Bawal ang pumutok, manarotot na lang

NITONG nakaraang Linggo, naganunsiyo ang pamahalaan ng Lungsod Angeles na bawal magtinda ng anumang uri ng paputok. Kaya, mga kaibigan, tandaan ah. Bawal ang magpaputok. Kasi naman anim na daang katao ang naging biktima ng sari-saring paputok sa tuwing pagsalubong sa bagong taon, ayon sa Department of Health. Taon taon na lang ng ganiyan. Babasahin na lang natin sa pahayagan kinabukasan kung ilan namang sa kababayan nating matigas ang ulo ang naging pasaway ang naputulan ng daliri, nabulag, or ang masaklap ay binawian ng buhay.

Kailan ba matitigil itong kabaliwang ito sa mga paputok? Ito yaong tanong ng marami sa tuwing pasapit ang bagong taon.Kung walang paputok, walang puputok. Tama, hindi po ba? Kaya tama lang na ang pamahalaan ay ipagbawal ang pagbebenta ng mga paputok? At kung wala ng paputok, wala ng mapuputulan ng daliri? Walang mabubulag. Walang masasaktan.walang isusugod sa ospital. Hindi ba ganoon lang kasimple yan?

Kaso maraming masyadong matigas ang ulo sa mga kababayan natin. It is easier said than done, ika nga sa inglis. Ang kanugnog na lalawigang Bulacan na tinuturing na firecracker capital ng Pilipinas ay kailangan bantayan ng maigi ng mga awtoridad. Si Pangulong Duterte ay may executive order na inilabas at mga regulasyon sa paggawa nito. Kailangan tupdin ito ng mga Local Government Units (LGU).

Tayo na lang yata ang tanging bansa ang gumagamit ng mga paputok sa pagsalubong sa bagong taon. Ang lahat ng bansa ay mga fireworks display ang kanilang pamamaraan. Subukin ninyong manood sa telebisyon kung gaano kaganda at kamangha-mangha ang mga fireworks displays ng Beijing, London, Auckland, New York at lalong lalo na iyong firework show sa Dubai. Taon taon yan.

Kung hindi kaya ng national government na ipagbawal o ipasara ang mga fireworks factories, ang alternatibo ay kopyahin ang Lungsod Angeles at ipagbawal ng bawat lokal na pamahalaan ang pagbebenta nito at higit sa lahat ang paggamit ng anumang uri ng paputok. Lisyang katwiran ng mga fireworks manufacturers ay maapektuhan daw ang kabuhayan ng maraming tao na nasa industriya ng paputok. Alin ba ang mahalaga? Buhay o hanapbuhay?

Zero casualty sa Davao City. Kasi noon pa man na alkalde si Pangulong Duterte ipinagbabawal niya na ang paputok, at sinumang mahuhuling gumagamit nito ay tiyak kalaboso ang patutunguhan. Hindi ka bibiruin o sasantuhin ni Digong Duterte.

Minsan ginawa ng mga mamayan doon sa Davao City sinalubong ang bagong taon sa palakasan sa panonorotot. At saka yaong may mga baril, huwag pumutok. (Pinaka malakas yatang manorotot si Digong, Bebot at Tony F… he he he, joke) Ginawa ito sa isang plaza sa kanilang lungsod, at sa dami ng sumali, napabilang sa Guiness Book of World Record. Tinalo ang Tokyo. Kung panonorotot lang naman ang pag-uusapan, alam ko kayang kaya nila Mayors Ed Pamintuan, Edwin Santiago, at lalong lalo na si Cris Garbo gawin ito, at dagdagan ng ang mga palabas sa mga parke o plaza na lalahukan ng ating mga kababayan.

Sa totoo lang ang isyu sa dulot na panganib ng paputok ay pinag-uusapan sa ngayon, kaya kilos ng kaunti ang gobyerno. Pagkalipas ng ilang linggo, tiyak magkakalimutan na. Ganyan lang naman tayo. Pag may disgrasya, ayon aksyon ang pamahalaan.
style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="1977900730">



style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="4158864647">


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph