Corpus: Huwag gumamit ng firecrackers

BINALAAN ni Chief Superintendent Amador Corpus, Police Regional Office-Central Luzon director ang publiko na huwag magsindi ng firecrackers sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sang-ayon kay Corpus ito’y upang maibasan ang bilang ng casualties nitong Holiday Season.

Ang publiko ay hindi maaaring magsindi ng firecrackers sa kanilang residente kungdi sa mga Community Firecrackers Display Zone.

At kung hindi talaga maiwasan ang paggamit ng fireworks sa pagsalubong sa Bagong Taon tiyakin lamang na ang inyong sisindihan na paputok ay hindi iligal, ayon pa kay Corpus.

Ang sino mang gagamit ng iligal na firecrackers ay ipapaaresto ko, ayon kay Corpus.

Kaya naman umaapela si Corpus sa publiko na huwag gumamit ng mga pinagbabawal na firecrackers.

Kasabay nito, kanya ding binalaan ang gun owners na huwag iputok ang kanilang mga baril sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ang gun owners na mahuhuling nagpaputok ng kanilang baril ay ipapaaresto at maging ang mga pulis na magtatangkang gamitin ang kanilang isyu mga baril ay may paglalagyan na kaso.

Nagbigay ng mga listahan na maaaring magsindi ng firecracker zone si Corpus na kung saan umaabot sa 619 zones sa Central Luzon.

Ang mga ito ay Aurora, 23; Bataan, 68; Nueva Ecija, 92; Pampanga, 31; Tarlac, 27; Zambales, 163; at Angeles City 14.

Sa readers ng Dateline: Olivas, Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa Inyong Lahat!
style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="1977900730">



style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="4158864647">


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph