Sangil: Si Governor Lilia at Congresswoman Gloria

DALAWANG tulog na lang at bagong taon na. Welcome 2018! Bilis ng panahon. Sa ganitong mga panahon kung minsan naiisip mo tuloy ano na kaya ang pwedeng maasahan. Dalawang tao ang biglang pumasok sa isip ko. Si Pampanga Governor Lilia ‘Baby’ Pineda at ang dating pangulo na ngayon Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo.

Si Gobernadora Baby ay sobra ang sipag. Naalala ko ang naisulat ko noon na pinansin ko na sa isang araw ay nasa Macabebe at inspeksyon sa ospital, tuloy ng Balitucan sa Magalang at inspeksyon din ang ospital doon. Makikita mo rin ang larawan niya na kausap ang mga nagrereklamong residente ng Hacienda Dolores sa Porac, at nasa isang bulwagan ng otel sa Clark at kausap ang mga investors at iba't ibang matataas na opsiyales ng pamahalaan.

Takbo siya sa kumbida ng Candaba para ipakita at hingi ng suporta ang itikan sa Barangay Bahay Pare ng bayan doon. Hindi papalya si Nanay Baby. Ano ang nagbibgay ng lakas kay Nanay Baby? Tanong ng karamihan. Hindi naman siguro iyong balot Candaba. Hindi naman siguro iyong tamales ng Cabalantian, Bacolor. Sitsaron ng Guagua? Mga pang-matamis galing Sta Rita?Hindi rin ang pulburon ng Sasmuan. O baka iyong pagkaing Binulo ng Porac?

"Likas ang sipag niya Tata Max. At inspirado siya dahil sa pagmamahal ng ating mga kababayan," sabi ni John Manalili na aking kaibigan at isang manunulat na taga bayan ng Lubao.

Mahigit na lang na isang taon at tapos na ang kaniyang panunungkulan. Naka tatlong termino na kasi siya. Maugong na kakandidato ang anak, ang kasalukuyang bise gobernador Dennis ‘Delta’ Pineda. Mabait at masipag din naman si VG Dennis. Namana ang sipag ng ama at nanay. Kaya lang magkaiba ang haplos ng lahat ng nanay.

Parang iisa ang ugali ng mga taga Lubao. Masipag, mapagmahal at mapag-kalinga sa kapuwa. Ang dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay isa ring masipag na tao kahit medyo may edad na. At nagkaroon pa nga ng malubhang karamdaman noong nasa hospital arrest noong administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Salamat naman at siya’y magaling na at nakakapaglibot na sa mga taga suporta at kaibigan. Nitong nakaraang Christmas party namin sa Capampangan Media Inc. (CAMI) sa Quezon City ay naka-piling namin.

Kung minsan iisipin ng tao bakit kaya si Aling Gloria na naging senador at pangulo na ng ating bansa ay nanaisin pang maglingkod bilang kinatawan. Sa katotohanan mayroon pa ring balita na kung ang sistema pulitika ng bansa ay magiging federalismo si Kongresista Gloria ay hahabol bilang senador na kakatawan sa Federal State of Central Luzon. Walang sawang paglilingkod. Danil nanalaytay sa dugo ng dalawa ang pagiging lingkod bayan.
style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="1977900730">



style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="4158864647">


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph