Sapnu: Motornapping lumalala?

MUKHANG lumalala ang motornapping sa Central Luzon.

Ito’y batay sa mga report nanggagaling sa mga provincial at city police offices sa rehiyon.

Noong nakalipas buwan ng Nobiembre at Disyembre, tumaas ang bilang ng insidente pagnanakaw ng mga motorsiklo.

Maging nitong buwan ng Enero ilan na rin ang naitatalang motornapping sa rehiyon.


Pinakamaraming motornapping insidente naitatala ay sa mga lalawigan ng Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at Bulacan.

Karamihan pa naman sa nananakaw na mga motorsiklo ay hindi na narerekober ng Philippine National Police (PNP).


Malamit ang mga ninanakaw na mga motorsiklo ay iyong nakaparada sa mga establistamento at maging sa harapan ng bahay.

Kahit na nakakandado ang mga ito ay nakukuha pa rin tangayin ng mga motornapper.


Wala na pinipiling lugar ang mga motornappper basta nagkaroon ng pagkakataon tangay ang motorsiklo mo.


Ang mahirap iyong iba sapilitan kinukuha ng mga motornapper ang motorsiklo.

Gagaya lamang ang nangyari kay Gilbert Nicdao, 42, ng Barangay Camuning, Mexico, Pampanga, siya ay binaril ng mga suspek.


Si Nicdao ay sakay ng kanyang Suzuki Skydrive motorcycle patungo sa bayan ng Arayat nang isang tricycle ang humarang sa kanya sa Barangay San Antonio.


Isa sa mga sakay ng tricycle pinaputukan si Nicdao na kung saan tinamaan ito sa kamay.

Dahil sa tama ng biktima, siya ay nadapa at doon nagkaroon ng pagkakataon ang mga suspek na kunin ang kanyang wallet at maging ang kanyang motorsiklo.

Pagkatapos noon, kumaripas ng takbo ang mga suspek tangay ang motorsiklo ng biktima.

Kaya kayo mga may-ari ng motorsiklo palaging mag-ingat at maging alerto sa lahat ng oras para hindi kayo mabiktima ng mga motornapper.

*****

Binabati ng Dateline si Chief Inspector Grace Naparato, deputy ng Regional Logistic and Resource Division (R-4) sa kanyang pagkaka-promote bilang Superintendent. Siya ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class 2005.

Kasama din na-promote Superintendent si Chief Inspector Dederick Relativo, deputy Regional Public Safety Battalion. Mistah din ni Naparato.
style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="1977900730">



style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="4158864647">


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph