Sangil: Hanggang kailan magtitiis?

SOBRANG trapik, kaya marami sa atin at isa na ako doon na ayaw ng mag-biyaheng pa Maynila. Papasok ka pa lang sa toll gate at palabas ka para magbayad, na-iistress ka na. Ano ba ang soluyson? Kung inyong matatandaan, noong 2016 naging isyu sa pambansang halalan ang problema sa trapiko. Ang taong bayan, lalo na yaong mga taga Metro Manila at mga naninirahan sa mga lungsod at malalaking bayan ay kiling sa pagsuporta kay kandidatong Rodrigo Dutere.

Noong minura niya ang Papa sa Roma dahil siya ay minsan ng naipit sa trapiko, naisip ng marami na kung mananalo siya bukod sa ipinangako niyang tatapusin sa loob ng anim na buwan ang problema sa droga, ay bubuti rin ang kalagayan ng trapiko. Kaso hindi eh. Lalong lumubha. Sa totoo lang wala namang maliwanag na mga panukala sa pagbigay ng solusyon sa ikakaluwag ng trapiko.

Hindi lang sa napakalaking perwisyo sa ekonomiya ang masikip na daloy ng ating mga kakarsadahan, kung hindi minsan ay siyang pinagmumulan ng maraming away. Mga nawalang oportunidad sa negosyo o sa trabaho. At ang matindi ay ito ang siyang pinagmumulan ng sakit sa maraming kababayan.

Naalaala ko pa ng isang beses na bumiyahe ako pa Maynila. Umalis ako ng 4.30 ng hapon mula Makati at binagtas ko ang EDSA. Mala pagong ang galaw ng mga sasakyan. Awa ng Diyos inabot din akong mga dalawang oras bago nakarating ng Balintawak para kumanan ng NLEX. Usal ko sa sarile, ano kaya kung ako ang dumaranas ng ganito araw araw? Paano na ang mga nakitang kong ilang matatanda na may akay pa ng bata, mga empleyado na nag-aabang ng masasakyan habang nagsusungit ang panahon at nagbabadyang uulan. Yaong iba nagkapalad na makasakay kahit nakatayo lang. Inisip ko na lang nasanay na ba sila sa ganoon, na pagkatapos nilang magtrabaho maghapon, aabang ng masasakyan, tatayo hanggang sa kanilang destinasyon at kinabukasan na naman maagang gigising, aabang ng sasakyan, tatayo at bubunuhin ang matinding usad pagong na trapik?

Mga mananakay na sukat sa MRT o LRT sumakay ay kailangan maagang pumila at hindi nakakasiguro kung aabot sa destinasyon, dahil laging aberya ang mga ito. Kung magka-minsan apat na beses mag-hapon. Ano ba naman yan, Mr. President? Secretaryo Arthur Tugade? Magdadalawang taon na kayo sa administrasyon? Hanggang kailan magtitiis ang ating mga kababayan?

Salamat naman sa Lungsod San Fernando, Angeles at Mabalacat ay manaka naka lang nararanasan natin sa trapiko kung ihahambing sa nararanasan ng motorista at mananakay sa kalakhang Maynila. Pero kailangan umaksiyon na ang mga namumuno. Ngayon pa lang pinaghandaan na yan. Kung kailangan palaparan ang mga karsada, paaral sa eksperto ang daloy ng trapiko at higit sa lahat ipatupad ang mga batas at kailangan magkaroon ng disiplina. Hindi kung saan saan na lang hihinto, magbaba at maghihintay ng pasahero. Baguhin na natin yan.

At Mr. President, ipag-utos ninyo rin po sa Highway Patrol ng kapulisan na alisin na ang mga bugok na driver sa karsada, maging sa mga pribadong sasakyan, tricycle, jeepneys, trucks at iba pa. Isanib na ang pwersa ng Land Transportation Office at Highway patrol at gawin na araw araw ang mga inspeksiyon. Kailangan ng tumino ang mga tao at ating kakarsadaan. Ika nga ng mga militante, ‘Kung hindi ikaw, eh sino? At kung hindi ngayon, kailan?’
style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="1977900730">



style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="4158864647">


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph