Sapnu: Corpus pinuri si Caramat

ISA na naman malaking accomplishment ang ginawa ni Senior Superintendent Romeo Caramat, Bulacan police provincial director.

Umaabot sa lima suspected drug pushers/users ang napatay ng Philippine National Police (PNP) sa ilan bayan/lungsod ng Bulacan.

Samantala naman umaabot sa 95 drug personalities ang naaresto sa ginawa ng Bulacan re-buy-bust operation na kung saan 277 sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P409,500.00 ang nakumpiska.

Ang mga napatay sa enkuwentro ay kinilalang sina Arwin Martin ng Barangay Sta. Cruz IV, San Jose Del Monte City; Sonny Pablo Torres ng Barangay Look, Malolos City; Romel Mercado, 38, ng Barangay Bulacan, Sta. Maria; alias Popeye ng Barangay Minuyan, San Jose Del Monte City; and isang di-kilalang lalaki ng Barangay Caniogan, Calumpit.

Sa operasyon ng Bulacan police, umaabot sa 9 ng kalibre .38 rebolber, isang homemade na shotgun, dalawang improvised air gun, isang kalibre .45 replika, isang homemade gun, isang phoenix kalibre .23, isang sumpak at isang handgrenade ang nakumpiska sa mga napatay at nahuling mga drug pusher/user.

Dahil sa big accomplishment na ginagawa sa loob lamang ng isang araw ng Bulacan police, pinuri ni Corpus si Caramat.

Pinagmalaki ni Corpus sa mga ibang mga Provincial at City police director si Caramat dahil sa kanyang One Time Big Time accomplishment noong Miyerkules (Jan. 11) sa kanyang mensahe nang New Year’s Call na ginanap sa Chief Superintendent Arron Aquino hall.

Kanya (Corpus) sinabihan ang lahat ng Provincial at City police director na pamarisan nila si Caramat sa kanyang Big Accomplishment.

Kahit noong ilan buwan pag-upo ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, marami naging Big Accomplishment si Caramat na kung saan siya ang nangunguna sa kampanya ng PNP sa laban sa illegal drugs.

Halos umaabot sa mahigit 300 na drug pushers/users ang napatay sa enkuwentro at samantlang umaabot na mansa 1,300 ang naaresto sa mga magkakahiwalay na buy-bust operations sa lalawigan ng Bulacan.

Sino kaya Provincial o City police director ang makakagaya sas “big accomplishment ni Caramat o dili kaya makakahigit sa kanyang kampanya laban sa illegal drugs. ???? Nagtatanong lang po.....

Sabi nga ni Chief Superintendent Corpus, si Caramat daw ang pinaka “ASTIG” sa mga Provincial at City police director sa Central Luzon at maging sa ibang rehiyon....
style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="1977900730">



style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="4158864647">


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph