Sapnu: Anim na pulis, isang chief of police arestado sa extortion

NASIRA na naman ang imahe ng Philippine National Police (PNP) dahil sa pagkakahuli ng anim na pulis at isang hepe ng Pampanga dahil sa di-umano sa pangongotong.

Lunes ng gabi nang inaresto ng miyembro ng PNP Counter Intelligence Task Force (CITF) ang anim pulis ng Caranglan Police dahil sa kanilang pangongotong.

May dalawang sibilyan din ang inaresto ng CITF na sila umano ang nangongolekta sa mga dumadaan na behikulo.

Ang mga inarestong anim na pulis ay sina SPO1 Antonito Otic, PO3 Danilo Sotelo, PO3 Ronald Buncad, PO3 Oliver Antonio, PO2 Rodrigo Edralin, at PO2 Romeo Nuñez III, at dalawang sibilyan ay sina Ramon Cabilangan at Darwin Lagisma.

Pagkatapos ng operasyon ng CITF sa Nueva Ecija, sumunod naman ang Pampanga na kung saan si Chief Inspector Romeo Bulanadi, hepe ng Sasmuan Police ang kanilang tinarget.

Sang-ayon sa report, isang entrapment operation ang isinagawa kay Bulanadi na kung saan tumanggap umano siya ng halagang P30,000 mula sa mga operator ng peryahan.

Kaya naman pinasibak kaagad ni Chief Superintendent Amador Corpus, Police Regional Office III (PRO-3) director, si Bulanadi.

Sang-ayon sa report, pinasok umano ng CITF ang police station at sabay tinutukan ang mga ibang pulis na nandoon.

Buti na lang walang kumasang mga pulis ng Sasmuan nang sila’y tinutukan.

Ang anim na pulis, dalawang sibilyan at hepe ay dinala ng CITF sa Camp Crame, Quezon City.

Ang hepe at anim na pulis ay maaaring ma-dismiss sa serbisyo depende sa magiging resulta ng imbestigasyon.

Sino pa kaya ang susunod na maaresto ng CITF? Nagtatanong lang po...
style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="1977900730">



style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="4158864647">


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph