Sangil: Paki sagot ang mga tanong, please

HABANG may buhay may pag-asa. Ngayong taong 2014, ano ba ang inaasahan natin? Bubuti na ba talaga ang kalagayan ng ating bayan? Maisasaayos na ba lagay ng ekonomiya? Mababawasan na ba ang mga taong walang trabaho? Mahahati ba sa kalahati man lang ang yaong sinasabing sampung milyong pamilya na hindi kaya ang kumain tatlong beses maghapon? Tuloy na bang mawawala ang droga? Titigil ba ang bangayan ng senado at mababang kapulungan? Federalismo na ba talaga ang sistema pulitikal ang bansa? Ang dami kong tanong na nangangailangan ng kasagutan. Palagay ko, ikaw na nagbabasa nito ay may mga sariling kata ungan at nangangailangan ng sago. They beg for answers, ika nga sa inglis.

Balik tanaw lang tayo. Noong ilang taon ng nakakalipas may isang bahagi sa noontime show na Eat Bulaga nila Tito,Vic and Joey na ang episode ay 'THAT's MY TAMBAY' na kinagigiliwang panoorin ng marami. Kasama na ako doon sa marami. Nakakatuwa at nakakalungkot. Nakakatuwa dahil sa mga pagbibiro at patutudyada nila Joey,Jose at Paulo sa mga kalahok. Nakakalungkot dahil karamihan sa mga kalahok ay mga tapos sa kolehiyo, magagaling, may mga natatanging talent subalit taon ang lumilipas hindi pa rin makahanap ng mapapasukan sa kabila ng kanilang pagpupunyagi.

Kung minsan itong mga ganitong panoorin na lang ang nakakapag-palimot sa maraming kahabag-habag na kalagayan ng maraming Pilipino na sadlak sa dusa at mga mapait nilang karanasan sa araw araw. Mga musmos na nagkalat sa karsada, nagtitinda ng bulaklak at kung ano pa sa gitna ng init ng araw at usok ng maraming sasakyan.

Sa ngayon mayroon silang segment sa kanilang programa na kung tawagin One for All, All for One na ‘SUGOD BAHAY’. Ang palabas nitong Eat Bulaga ay sumasalamin sa tunay na lagay ng atin bayan. May isang episode akong napanood na mag-asawa na apat ang anak na mas maayos pa kung minsan ang mga kulungan ng mga aso ng mayayaman. Butas butas ang dingding, walang koneksyon ng koryente at halos di sila magkasya.

Sa malikot kung isip, baka ika ko pag nagtatalik ang mag-asawa ay dinig na ng mga taong dumadaan. Mukhang halos taunan ang pagitan ng gulang ng mga anak, at buntis na naman nuong mapanood ko ang palabas. Maraming kasaysayan ng tao, iba’iba lang ng kwento ng buhay. Kahirapan ang tanging tema.

Subali't kahit sa ganoong kalagayan, may makikita ka pa ring mga ngiti sa labi. May natatanaw pa silang pag-asa. Nakita ko sa background, nakasabit sa dingding ng barong barong ng mag-asawa ang larawan Our Lady of Perpetual Help. Malamang naka-pako ang pag-asa nila hindi sa pamahalaan, kung hindi sa Panginoong Maykapal.

Hindi pasado ang national government sa kaniyang population control program. Hindi rin pasado sa kaniyang programa sa pabahay. Palagay ko hindi rin pasado sa pag-asikaso sa ekonomiya dahil sa lahat halos dako ng bansa makikita mo ang mukha ng kahirapan.Kung bibigyan mo ng tunay na marka ang gobyerno,ay tiyak hindi pasado. Bakit mataas ang bigay ng Social Weather Station at ng Pulse Asia sa rating ng pangulo? Kasi si Pangulong Duterte ay siyang Nora Aunor ng pulitika. (Si Ate Guy sumikat kahit na maliit at maitim na hindi katulad noon nila ni Susan Roces, Amalia Fuentes Boots Anson Roa at maraming iba pa).

Duterte is identified with the masses. Yaong kaniyang salita na may kasamang pagmumura, yan ay nakasanayan na ng marami, mas sa bahay, sa palengke, sa sabungan, sa barberya o sa kanto. Simpleng tao. Hindi matapobre at mapag-biro. Malambing. Madali siyang mahalin. Kaya naman dumami ang kaniyang... huwag na lang.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph