Sapnu: Kampanya ng Pampanga Police sa illegal gambling

MUKHANG seryoso si Senior Superintendent Joel Consulta, Pampanga police provincial director sa kampaya nito sa illegal gambling.

Kahit na mahirap sugpuin ang illegal gambling sa Pampanga ay pinipilit ni Consulta na maibsan ito.

Kaya naman sa loob ng isang araw (Jan. 17), umaabot sa 23 katao ang inaresto ng Pulisya sa magkakahiwalay na operasyon sa mga iba’t ibang bayan ng lalawigan.

Ang mga naaresto ay sina Domingo Manulit ng Barangay Sto. Nino, San Simon; Rodelyn Marquez, 20 ng Sta. Lucia, Masantol; John Alexis, 24, ng San Rafael, Bulacan; Joey Ferrer, 45, Francis Yanga, 20, Alejandro Mercado, Allen Coronel, 42, at Alexis Gliani, 24, pawang taga Barangay San Ildefonso, Magalang;

Samantalang ang mga operatiba ng Criminal Investigation at Detection Unit-3 nang magsagawa ng operasyon sa Mabuhay Cockpit Arena sa Barangay Telabastagan, City of San Fernando, halos katao ang kanilang naaresto. Ang mga ito ay nakilalang sina Alejandro Gomez, Enrico Mobido, Raymond Espinosa, Jason Calupiano, Romnick Arceo, Marco Pangilinan, Ivan Rodriguez, Ninoy Candelario, Larry Asedillo, Jhayar Garcia, Ronnie Atienza, Erza Diano, Joel Rodriguez, Leomar Rodriguez, at Juany Cabasa.

Ang mga ito ay nahuling sa aktong nag-ooperate ng online cockfighting sa loob ng nasabing sabungan. Nakumpiska sa kanila ang anim Apple Mac i-pads, 10 computer monitors, 9 cameras, 8 key boards, 5 headsets, 2 main stations, 8 tripods, 4 laptops, 3 internet modems, boom mic, power cord, 3 tables, computer wires at devices.

Samantalang ang nakumpiska Pampanga Police sa mga naaresto nila sa mga bayan ng San Simon, Masantol at Magalang ay mga cash bet, anim na bola, station board at mga illegal gambling paraphernalia.

Ang nakakagulat dito, mayroon na rin Online cockfighting operation sa loob ng sabugan at bakit pa lamang nadiskubre ng Pulisya???? Nagtatanong lang po.....

Abangan po natin ang ibang mga Provincial Police Office kung magsasagawa ang mga ito ng seryosong kampanya laban sa illegal gambling.

Abangan po natin.....
style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="1977900730">



style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="4158864647">


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph