Sapnu: Oplan Tokhang inilunsad noong Lunes

SINIMULAN na naman ulit ilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang Oplan Tokhang bilang kampanya nito sa illegal drugs.

Kaya naman lahat ng mga provincial at city police offices ay nagsimula na rin ang kanilang kampanya laban sa illegal drugs.

Inaasahan na marami na naman ang maaaring mapatay o maarestong mga drug personalities sa panibagong paglunsad ng Oplan Tokhang.

Kahit na hindi pa sinimulan ang Oplan Tokhang ng PNP, ilang mga drug personalities ang napapatay sa enkuwentro sa Central Luzon.

Ang pinakamaraming napapatay at naaarestong mga drug personality ay sa lalawigan ng Bulacan. Ito’y dahil ang provincial police director dito na si Senior Superintendent Amador Caramat ay seryoso sa kanyang kampanya sa illegal drugs.

Matatandaan ang Bulacan police ang palaging Number One sa accomplishment sa kampanya sa illegal drugs.

Nagsimula si Caramat sa kampanya nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte at sa isang pagbisita nito (Duterte) pinuri nito si PD sa kanyang kampanya sa illegal drugs.

At sa mga provincial at city police offices sa Central Luzon ang Bulacan police ang nangunguna sa kampanya sa illegal drugs.

Ang pangamba naman ng mga kababayan natin, kahit na ipinahayag ni Chief PNP Director General Ronald (Bato) dela Rosa na hindi magiging madugo ang panimula Oplan Tokhang ay wala gaanong naniniwala dito.

Inaasahan ng mga kababayan natin na magiging madugo ito dahil simple lamang sabihin lamang nila naglaban at hindi sumuko ang isang drug personality sa halip nakipagpalitan ng putok sa mga otoridad.

Sang-ayon sa police officer nakausap ng Dateline, halos daw ng mga drug personalities ay hindi sumusuko ito at talagang lumalaban ang mga ito. Kaya hindi raw maiaalis na hindi pumutok ang mga otoridad.

sa panibagong paglunsad ng oplan tokhang sino kaya provincial o City police offices na magiging number sa “accomplishment?” Nagtatanong lang po...

style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="1977900730">



style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="4158864647">


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph