Sapnu: Sa panimula ng Oplan Tokhang

NOONG Lunes, January 29, ipinatupad na ang Oplan Tokhang ni Chief PNP Director General Ronald dela Rosa.

Kaya naman maraming nangambang drug personalities ang maaaring umano masama sa EJK, at sa unang araw ng Oplan Tokhang, umaabot sa 47 drug personalities iba’t ibang lalawigan ang boluntaryo sumuko sa otoridad, ayon kay Chief Superintendent Amador Corpus, Police Regional Office (PRO)-Central Luzon director.

Sang-ayon kay Corpus, hindi raw nila akalain sa unang araw ng Oplan Tokhang ay maraming drug personalities ang boluntaryong sumuko.

Siguro sa takot na masama ang mga ito sa EJK minabuti nilang boluntaryong sumuko sa otoridad, ayon sa police officer sa Dateline.

Inaasahang marami pang boluntaryong susukong drug personalities sa Central Luzon, ayon pa sa police officer.

Tatlong araw matapos ang unang implementasyon ng Oplan Tokhang, umaabot sa 24 drug personalities ang naaresto ng mga otoridad sa mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Bataan at Tarlac.

Abangan po natin ang pagsuko ng drug personalities at pag-aresto sa mga ito.

Sa unang raw ng Oplan Tokhang, nanguna na naman ang PRO-Central Luzon “accomplishment” sa ibang mga police regional office.

Sanhi ng trapik sa city proper ng CSF

Hindi lang tuwing “rush hour” matrapik sa city proper ng City of San Fernando.

Ito’y dahil sa mga nakaparadang mga private vehicles sa gilid ng simbahan na iyong iba ay pag-aaari ng mga may-ari ng mga establistamento.

Kung minsan hindi lang mga may-ari ng mga behikulo ng mga establistamento kungdi iyong ibang mamimili.

Tuwing dadaan ang Dateline, napupuna nitona double parking pa nga ang mga behikulo doon.

Ang linaw ng nakalagay na signboard, “No Double Parking” at walang pakiaalam ang mga motoristang pumaparada doon kung lumalabag sila sa batas.

Noong minsan dumaan ang Dateline, hindi lang double parking ang nakita natin kungdi triple parking pa.

Nakikita ng mga traffic enforcer ang naka double parking hindi man nilang sinisita. Bakit kaya? Nagtatanong langpo...

Ang isa pang dahilan ng trapik doon ay ang pagbalik ulit nga mga pampasaherong jeepney may rutang City of San Fernando/Angeles City.

Ginawa namang “terminal” ang gilid ng Pampanga Hotel na kung saan naging sanhi ng trapik.

Bakit kaya kailangan ibalik ng kinauukulan ang dating nabanggit na terminal? At ano kaya ang naging kondisyones doon? Nagtatanong lang po ang taong bayan sa inyo.
style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="1977900730">



style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="4158864647">


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph