Ruru Madrid, Matt Evans misidlak sa Sherlock Jr.

NAILA ang mga iro nga man’s best friend, apan mas labaw pa kuno ana ang atong makita sa bag-ong makalingaw nga GMA primetime series nga “Sherlock, Jr.” nga nag-premiere na niadtong Enero 29 sa Kapuso Network. Ruru Madrid ug Matt Evans, Ssssuper Ka!

Anong estorya ng Sherlock Jr.?

RURU: It’s a drama crime series and I play the title role, as Sherlock Jr., an investigative reporter sa isang publication. Kasama ko dito yung nakakatuwang asong si Serena as Siri in solving the mysteries.

MATT: Yung family po namin ang nagmamay-ari ng publishing company, where Sherlock Jr. works. Siya kasi mabuting reporter, tapos kami yung kontrabida kasi mini-mislead namin yung tao.

How did you stumble upon the dog?

RURU: Yung dog po, actually, pagmamay-ari ng girlfriend kong si Irene played by Janine Gutierrez, a lifestyle reporter. Mortal enemies kaming dalawa ni Siri pero natutunan kong mahalin yung aso kasi everytime nagkakaroon ng mga engkwentro siya yung unang nagliligtas kumbaga.

Anong challenge working with an animal?

RURU: Parang wala naman po, sobrang talino lang talaga ni Siri at nakikisama talaga siya.

MATT: Yun lang sigurong oras, kasi medyo parang bata din po ang aso `e, limited sa 4 hours lang yung work nila, hindi puwedeng sagarin kasi may sinusunod kaming animal rights.

Gaano ka na katagal naging Kapuso?

MATT: Nag-start po ako September last year. Sabay po kami ni Jason Abalos. Lumipat po ako kasi gusto ko rin naman e-explore yung talent ko kasi sa kabila po, medyo matagal na rin ako sa kanila. Gusto ko naman e-explore yung ibang potential ko.

Kumusta ang lovelife n’yo?

MATT: Kasal na po ako. I have three kids, 10 years old yung eldest, tapos turning 4 yung second at magto-two years na po yung bunso ko tomorrow.

RURU: Sa ngayon kasi ang dami ko pang kailangang pagkakaabalahan, dami ko pang priority sa buhay na dapat kong unahin.

Di ba ang liit mo dati?

RURU: Yes, pero ngayon nagpapaliit na po ulit kasi after Encantadia lumaki po ako ng 180 pounds, medyo malaki po ako sa TV. 150 pounds ako ngayon… I did Keto diet, that is very popular now, puwede ka kumain ng crispy pata, baboy, chicharon as long as you don’t eat carbs and sugar.

Bilang matagal na sa industriya, anong advice na puwede mong i-share kay Ruru?

MATT: Ako po kasi buhay may asawa na e. Siguro sini-share ko na lang kay Ruru kung sakaling mag-asawa na rin siya, kailangan niyang umuwi ng maaga para walang away. Hahaha! Tsaka maging responsableng tatay, ako kasi sa bata na po ako nakatutok, pag walang trabaho sa bahay na lang ako, tapos yung negosyo namin, kasi nagbukas po ako ng isang booth ng Potato King at BeauteDerm naman kay misis, tig-isa kaming negosyo.

As Gabby Garcia’s loveteam partner, why do you think parang maraming negative writeup sa kanya?

RURU: I don’t know. Pero hindi ako naniniwala doon. Si Gab lang kasi masyado siyang totoo sa mga sinasabi n’ya at ginagawa kaya siguro minsan nami-misinterpret siya ng ibang tao. Pero para sa akin mas okay na yung ganoon kaysa yung tinatago natin yung totoong tayo.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph