Ibig mangyari ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga kaso ng media killing sa bansa ay matatapos o mareresolba hanggang sa 2020.

Sa pahayag ni Undersecretary Joel Sy Egco, executive director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), sa Dateline, gusto raw ni Pangulong Duterte na maresolba ang lahat ng media killings sa bansa.

Ito ang sinabi ni Sy Egco nang ibinigay ni Chief Superintendent Amador Corpus, Police Regional Office-3 (PRO3) ang case files ng media killing sa Central Luzon sa kanya (Sy Egco).

Sa ibinigay na dokumento ni Corpus kay Sy Egco, umaabot sa 9 na kasong media killings sa rehiyon ay mula 20. Sa 9 na kaso ang lima dito ay nalutas dahil ang mga suspek ay naaresto ng PNP.

Sang-ayon kay Corpus, dalawa dito naka-pending sa korte at ang dalawa kaso sa Nueva Ecija ay malapit na rin maresolba at kasalukuyang tinatrabaho ng PNP.

Sang-ayon kay Sy Egco lahat ng Police Regional Office sa bansa ay kanyang bibisitahan kaugnay sa media killings, ang ang PRO3 ang unang binisita nito dahil siya ay taga Central Luzon.

Lahat ng mga PROs ay aking bibisitahan at kukunin ang lahat ng dokumento kaugunay sa mga Media na pinatay at upang maresolba ang lahat ng mga ito,” ayon kay Sy Egco.

Sinabi nito (Sy Egco) na ang task force ay iimbestigahan ang lahat ng Media Killings kung ang mga ito ay may kaugnayan sa kanilang trabaho. At kapag may kaugnay ito, dito pa lamang masasabi na media killing ito.

Sang-ayon kay task force chief, inaasahan nito sa 2020 ay wala ng record ng media killing cases.