Bianca and Miguel, Love is in the Air

MGA bata pa lang dihang nagsugod sila sa showbiz. Si Miguel Tanfelix nadiskubre sa edad nga 5 dihang nidaug siya sa StarStruck Kids sa GMA niadtong 2004. Samtang si Bianca Umali 2 anyos lang dihang unang nigawas sa usa ka TV commercial. Usa sila sa mga loveteam nga paborito sa Kapuso Network nga naila sa pangan nga “BiGuel.” Open secret sa showbiz ang ilang relasyon apan sama sa ubang lovebirds sa showbiz, wala silay giangkon. Ato silang na-interbyu sa promo tour sa ilang top-rating primetime drama series nga “Kambal, Karibal.” BiGuel, Ssssuper Ka!

Ano yung role n’yo sa Kambal, Karibal?

MIGUEL: Ako po si Diego, anak ni Marvin Agustin sa labas, pero di nya ako kinikilala bilang anak nya na parang tinataboy nya ako. So, may galit ako sa tatay ko. Lolo ko dito si Christopher de Leon at ako yung matalik na kaibigan ni Criselda at Crisanta.

BIANCA: Twins kami but fraternal. I played the role of Crisanta while Criselda is played by Pauline Mendoza.

Ikaw yung mabait?

BIANCA: Yes po, kasi Kambal, Karibal is a story between twins na yung isa is the weaker one and the other is the better one. Kaya po siya galit sa akin kasi ako po yung buhay at siya yung patay. Multo na siya. Kung napapanood nyo po yung show, meron po akong kausap na multo na ako lang ang nakakakita.

MIGUEL: Pero yung multo na yun sumapi siya sa katawan ng iba. So, kaya niyang gawin yung ginagawa ng tao, like nakakapanakit na siya.

Anong rating ng Kambal, Karibal?

MIGUEL: Lamang po kami. Panalo siya ng isang linggo (against “LaLuna Sangre” sa ABS-CBN). Siyempre happy po.

BIANCA: Nag-premiere po siya noong November 27 (originally titled as Santa Santita).

Pero may mga hindi naniniwalang natalo n’yo yung La Luna Sangre?

MIGUEL: Nielsen TV rating kasi yung gamit ng GMA, sila yung Kantar.

BIANCA: It doesn’t really matter kung matalo kami o manalo. Masaya po talaga kami na nakikita namin na pinauunlakan ng mga tao yung show namin at yun po ang importante sa amin. For us, hindi po talaga gusto namin makipag-kumpetensya. Well, maybe that’s how other people see it, pero sa amin po gusto lang namin mapakita yung trabaho namin at we’re happy na tinatangkilik ng tao.

How do you rate each other from 1 to 10?

MIGUEL: Kung ako ire-rate ko si Bianca ng 10 or 11. Mas gusto ko talaga siya na ganyan natural lang.

BIANCA: Kaming dalawa kasi ni Miguel we’ve been working together for very long time. This is our 7th or 8th year na as a loveteam.

MIGUEL: Hindi parang 7 years lang, noong mga 10 years pa lang ako workshops lang muna.

Kayo na ba?

MIGUEL: Hindi grabe… 19 pa lang ako.

BIANCA: Ako turning 18 pa lang sa March 2.

Anong plan mo sa debut?

BIANCA: I don’t really celebrate my birthday. He knows that I don’t really celebrate. It’s not because I don’t have my parents anymore, hindi lang talaga ako nagce-celebrate.

MIGUEL: Parang ayaw n’ya ng big party, mas gusto lang n’yang mag-travel.

Sinong kasama mo sa bahay?

MIGUEL: Ako… joke lang po.

BIANCA: My lola po and my cousins.

MIGUEL: Ako kasi parang nandito lang ako kay Bianca always… kung kailangan nya ako.

When you turn 18, is there something that you’ll now be allowed to do?

BIANCA: Of course when I turn 18, I know a lot of opportunities will open and a lot of things can happen… but sexy roles… “no”.

Kasi si Barbie Forteza nag-two-piece na sa teleserye?

BIANCA: Kapag daring po kasi meron tamang level ng daring at merong too much daring, depende lang sa… lola ko.

Bakit ka tumingin kay Miguel? Okay lang ba sa `yo Miguel?

MIGUEL: Kung saan siya masaya, kumbaga pinorprotektahan ko lang si Bianca.

Nag-aaral pa kayo?

MIGUEL: Third year college po ako sa homeschool. I’m taking up Entrepreneurship.

BIANCA: Grade 7, homeschool rin.

Ano pang ma-expect namin sa Kambal, Karibal?

BIANCA: Siguro mas marami pang bagay na hindi usual nilang napapanood. Because yung story hindi talaga siya ordinary, not a typical teleserye.

MIGUEL: Expect nyo rin na matatakot sila sa gabi kasi may mga eksena kaming umiikot ang ulo. It’s a horror, lovestory, drama na I’m sure mag-e-enjoy ang mga manonood.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph