Sapnu: Kidnapping sa City of San Fernando?

NOONG nakaraang Lunes, inireport ng Pampanga Police Provincial Office (PPPO) na nagkaroon ng kidnapping incident sa City of San Fernando.

Sa report ng PPPO, isang Toyota Alfard na walang plaka ang pumasok sa isang establistamento sa Barangay Dolores.

Tatlong katao ang sakay ng nasabing behikulo nang pumasok sa establistamento at di naman sinabi sa report kung anong ginagawa doon.

Sa paglabas ng Toyota Alfard, hinarang ito ng isang Mitsubishi Mirage bago ito nakalabas ng compound, ayon pa sa report.

Dalawang suspek ang bumaba sa Mirage at sapilitan pinababa pinasakay ang tatlong lalaki sa kanilang kotse.

Nagpaputok pa ang mga sakay nang paalis na ang kanilang kotse, ayon sa report.

Nagpakilala pa ang mga suspek na mga pulis sa mga biktima.

Tinangay din ng mga suspek ang Toyota Alfard ng mga biktima.

Hanggang sinusulat ang kolum na ito, hindi pa rin nakikilala ng PPPO ang tatlong biktima.

Sa palagay ng mga police officer, baka mga anak mayayaman o negosyante ang tatlong biktima kaya dinukot ang mga ito at mukhang magkakaroon ng “ransom money.”

Maraming nagtatanong mga kababayan natin kung sino kaya ang tatlong biktima at bakit sila dinukot at sa loob pa ng isang compound ng establistamento?

Abangan po natin kung mareresolba ng PPPO ang nasabing “kidnapping” sa lungsod.

Ano kaya naman ang reaksyon ni Mayor Edwin Santiago sa nasabing alleged kidnapping?

27th PNP Foundation Day may kontrobersyal?

Si Gobernadora Lilia “Nanay” Pineda ang guest of honor and speaker sa nakaraang PNP Foundation Day.

Maraming pinarangalan mga Senior Police Officer at binigyan ng Medalya ng Kagalingan.

Ang pagbibigay ng Medalya ng Kagalingan ay dahil sa kanilang naging trabaho noong Asean Summit na ginanap sa Clark Freeport.

Ang siste, mayroon mga Senior Police Officer ang hindi nabigyan ng nasabing parangal kaya naman na-low morale ang mga ito.

Ayon sa kanila, sa kabila ng trabaho nila noong Asean na kung saan araw’t gabi sila nagbabantay sa mga delagado ay hindi sila nabigyan ng parangal.

Biro mo kanilang sasakyan ginagamit at maging fuel sila ang bumibili, ayon pa sa kanila.

Last minute, bago ang nasabing foundation, inalis daw ang kanilang pangalan sa nasabing awarding.

Bakit kaya tinanggal pa ang kanilang pangalan?

Ano ba ang batayan sa pagbibigay ng award? Nagtatanong lang po…

style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="1977900730">


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph