Sapnu: Robbery/Motornapping incidents sa Angeles City tumaas?

NITONG Marso, ilang insidente ng robbery/motornapping ang naitala sa Angeles City.

Noong Marso 17, ang biktimang si Jhomar Cordero, 24, isang sales representative at residente ng City of San Fernando ay ipinarada nito ang kanyang motorcycle sa parking lot ng Puregold Supermaket sa Barangay Anunas, Angeles City.

Pumasok ang biktima sa loob ng supermarket subalit paglabas nito nagulat ito nawawala ang kanyang motorcycle.

Ayon sa CCTV footage ang suspek ay may suot white t-shirt, at may backbag ang kumuha sa motorcycle ng biktima.

Noong Marso 19, nabiktima si Nestor Sumook, 21, ng Barangay Pulung Bulo, Angeles City ng suspect sakay ng motorcycle.

Nag-withdraw si Sumook sa ATM machine ng BPI branch sa Barangay Sto. Rosario, Angeles City.

Habang palakad ang biktima pagkatapos mag-withdraw ng P10,000 ay nagulat nang tutukan ng baril ng suspek at sabay sinabihan na hold-up ito.

Matapos makuha ng suspek ang pera ng biktima sabay sumakay sa kanyang motorsiklo.

Noong Marso 13, hinoldap ng armed men riding-in-tandem si Ivan Valerio, 47, ng Metro Clark Home, Pulung Maragul, Angeles City.

Ang biktima ay nasa loob ng AD Grill sa Sto. Cristo, Angeles City nang pasukin ng mga suspek na pawang armado ng kalibre .38 sabay tutok ng baril sa biktima.

Umaabot sa P70,000 cash, pitong cellpone at isang wallet ang natangay ng mga suspek.

Simula noong Enero hanggang Pebrero nitong taon, hindi na mabilang ang insidente ng robbery/motornapping sa Angeles City.

Kulang na kulang sa police visibility sa naturang lungsod.

Ano kaya ang ginagawang aksyon ni Senior Superintendent Enrico Vargas, Officer-In-Charge ng Angeles City Police sa pagtaas ng crime incidents sa kanyang area of jurisdiction? Nagtatanong lang po…

Ayon sa mga police officers na nakausap ng Dateline, halos lahat ng crime incidents sa Angeles City ay walang daw ginawang solusyon ang city director?
style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="1977900730">



style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="4158864647">


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph