SECTIONS
Saturday, September 21, 2019

Sapnu: Serye ng Basag-Kotse gang sa CSF

SUNOD-SUNOD na ang operasyon ng Basag-Kotse gang sa City of San Fernando.

Ilan ng mga kababayan natin sa City of San Fernando ang naging biktima ng Basag-Kotse gang.

Unang nangyari ang insidente ng Basag-Kotse sa loob ng Villa Victoria sa Barangay Dolores na kung saan ang bintana ng Izuxu Dmax ang tinarget.

Biro mo naman sa loob ng isang subdivision ay nakakapasok ang mga kawatan. Mukhang kulang yata ang aksyon ng mga security guard dito.

Pangalawang naging biktima ay si Mary Jane Gomez, 48, isang school principal na kung saan ang kanyang Mitsubishi Montero kanan bintana ay binasag ng mga suspek.

Ang biktima ay nagsimba noong Sunday sa Calulut ng City of San Fernando at nang balikan nito ang kanyang behikulo laking gulat nito nawala na ang handbag naglalaman ng Land Bank ATM, passbook, jewelries worth P40,000, Samsung J7 Cellphone, and P30,000 collection money nito,

Pangalong biktima ng Basag Kotse gang ay si Samual Gideon Tuazon, 27, ng Barangay Quebiawan ng kung saan binasag ng mga suspek ang bintana ng kanyang Toyota Fortuner.

Ipinarada ni Tuazon ang kanyang behikulo sa harap ng Strong Tower upang dumalo sa isang religious meeting at sa kanyang pagbalik nagulat ito basag ang bintana ng kanyang behikulo.

Nakuha sa kanyang sasakyan ang isang bag na naglalaman ng mga damit pang gym at rubber shoes.

Bakit kaya nagkasunodsunod ang insidente ng Basag-Kotse sa City of San Fernando? Nagtatanong lang po…

Kulang ba ang police visibility ng CSF police station kaya nangyayari ang naturang insidente? Nagtatanong lang po…

Ano naman kaya ang gagawin askyon ni City Mayor Edwin Santiago sa sunod-sunod na Basag-Kotse? Nagtatanong lang po…
style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="1977900730">



style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="4158864647">


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph