Sapnu: Lumalalang insidente ng Basag-Kotse

MUKHANG nakaka-alarma na ang mga sunod-sunod na operasyon ng tinaguriang Basag-Kotse gang sa City of San Fernando.

Sa loob ng lamang ng dalawang linggo, nagkasunod-sunod na ang mga naging biktima ng Basag-Kotse gang.

Nitong Biernes Santo, ang mag-asawa Camposano ng Suburbia Subdivision, Maimpis ay iniwan ang kanilang Wigo Toyota sa gilid ng kahabaan ng MacArthur Highway sa Barangay Sindalan mga 50 metro layo nito sa St. Paul Church.

Ang mag-asawa ay pumasok sa simbahan ng dakong 3:30 p.m. at nang bumalik ito sa kanilang behikulo laking gulat nila basag ang kaliwang bintana.

Natangay ng mga suspek ang handbag ni ginang Merlita na naglalaman ng mga ID, ATM cards, alahas, pera, cellphone at iba pang mahahalagang gamit.

Nakita umano ang naturang insidente ng mga barangay tanod na kung saan mabilis sumakay ng kanilang motorsiklo ang mga suspek.

Pang-lima beses ng nangyari ang Basag-Kotse sa City of San Fernando.

Ang una ay nangyari sa Villa Victoria na kung saan isang Izusu Dmax ay nabasagan ng bintana, pangalawa naging biktima ang isang school principal.

Nagsimba ito sa Calulut church at ipinarada nito ang kanyang Mitsubishi Montero sa gilid ng kalsada.

Binasag ng mga suspek ang biktima ang kanyang Montero at natangay ang kanyang hand bag.

Ang pangatlo ang isang Toyota Fortuner ang binasag ang bintana ng Basag-Kotse na pag-aari ni Darlen Dianne Castro ng Dolores at nakuha sa kanyang mga mahahalgang gamit.

Pang-apat naman naging biktima si Samuel Gideon Tuazon, 27, ng Quebiawan.

Binasag din ang bintana ng kanyang Toyota Fortuner habang nakaparada sa haparan ng Strong Tower at natangay sa kanya ang mga personal belongings.

Ano raw ginagawang aksyon ng pulisya sa mga sunod-sunod na Basag-Kotse? Nagtatanong lang po mga Fernandina/Fernandino.

Hindi na ba raw “safe” ang kanilang mga behikulo sa mga kawatan?

Nanawagan ang mga Fernandino/Fernandina kay City Mayor Edwin Santiago na gumawa ng agarang aksyon sa mga sunod-sunod na Basag-Kotse upang hindi na ito lumalala.
style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="1977900730">


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph