Sapnu: Albayalde susunod na Chief PNP

HINDI na makapagtataka na si Director Oscar Albyalde ang papalit kay Chief PNP Director General Ronaldo “Bato” dela Rosa.

Kamakailan, ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Albayalde ang napili nitong kapalit ni Bato.

Kaya naman maraming nagalak na mga Kapampangan sa pagkakapili ni Duterte kay Albayalde na susunod na Chief PNP.

Marami din mga senior police officer at non-commissioned police officer na nakatrabaho ni Albayalde ang natuwa sa ipinahayag ni Pangulo.

Si Albayalde ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class ’86 at mistah ni Dela Rosa at Chief Superintendent Amador Corpus, Police Regional Office-3 (PRO-3) director.

Si Albayalde ay nagserbisyo kay retiradong Chief Superintendent Ismael Rafanan sa Pampanga police provincial office.

At nang maging PRO-3 director si Rafanan, nakatalaga si Albayalde bilang chief ng Regional Intelligence Division.

Naging Angeles City Police city director si Albayalde at sumunod sa Olongapo City.

Ang huling assignment ni Albayalde nang itinalaga ito bilang Pampanga police provincial director.

Pagkatapos ng kanyang termino sa Pampanga Police, na-assign ito sa Camp Crame hangga’t siya ang natalaga bilang chief ng National Capital Regional Office panahon na ni Dela Rosa.

Maraming naging accomplishment si Albayalde simula natalaga ito sa NCRPO.

Kaya naman napili ni Pangulong Duterte na kapalit ni Dela Rosa. Ang turn-over ceremony ay nakatakda sa Abril 14.

Director Albayalde, congrats at mabuhay, Sir!
style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="1977900730">



style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="4158864647">


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph