Sapnu: For the first time, Kapampangan ang magiging Chief PNP

SA HISTORY ng Philippine National Police (PNP), sa pagkaka-alam ng Dateline wala pang naging Chief PNP na Kapampangan.

At nang ipinahayag kamakailan ni Pangulo Rodrigo Duterte ang magiging next Chief PNP ay si Director Oscar Albayalde, maraming kababayan natin ang nagalak sa pagkakapili sa kanya.

Sabi nga ng mga Senior Police Officers, most qualified naman si Albayalde sa nabanggit na puwesto dahil halos di na yata natutulog sa kanyang trabaho bilang chief ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Mag-iisang taon na rin chief ng NCRPO si Albayalde at hindi na rin mabilang ang kanyang big accomplishments mula nang siya’y maupo.

At dito marahil nakita ni Pangulong Duterte ang masigasig na trabaho ni Albayalde kaya siya ang kanyang napiling papalit sa kanyang trusted Chief PNP Director General Ronald “Bato” Dela Rosa.

Matatandaan na ipinahayag din ni Duterte na si Bato ay itatalaga nito sa Bureau of Correction upang malinis ito.

Si Bato ay nagretiro na noong Enero, nguni’t pinalawig ni Duterte ang kanyang termino na kung saan sa darating na April 19 magkakaroon ng turn-over sa pagitan nila ni Albayalde.

Sa record ng PNP, karamihan ng mga naging Chief PNP ay pawang taga Region 1 at Region 4 mayroon din taga Region 3 kagaya ni Nicanor Bartolome na taga Tarlac.

Karamihan ng mga Media Personality sa Pampanga ay kilala si Albayalde at para sa kanya trabaho lang.

Hindi siguro akalain ni Albayalde na Two Star ngayon ay magiging Four Star na siya.

Sabi nga sa Inyong Lingkod ng mga Senior Police Officer sa Camp Olivas, “Destiny” ni Albayalde na maging Chief PNP.

Ang Police Regional Office-3 (PRO3) Press Club ay bumabati sa inyo ng Mabuhay (Congrats).
style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="1977900730">



style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="4158864647">


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph