Sapnu: Gun ban ipinatutupad na

DAHIL sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections, pina-iiral na ng Philippine National Police (PNP) ang gun ban sa bansa.

Binalaan ng PNP ang lahat ng gun owners na huwag ng dalhin ang kanilang baril kahit na mayroon silang kaukulang permit to carry dahil ipinatutupad na ang gun ban.

At noong Sabado simula na ipatupad ang gun ban, dalawang negosyante na ang naaresto ng PNP.

Sa report na pinarating ni Senior Superintendent Romeo Caramat, Bulacan police provincial director, sa isinagawang checkpoint ng Guiguinto police, naaresto si Fernando Garcia III ng Malolos City.

Sakay ng Toyota Altis si Garcia nang sitahin ng mga operatibang nagsasagawa ng checkpoint at nakita ang .9mm glock pistol sa gilid ng upuan.

Sabado din nang masita si Dennis Beley ng Barangay San Roque, Gapan City, Nueva Ecija sakay ng kanyang Mitsubishi L-300 sa isang checkpoint sa Barangay Sto. Cristo.

Pinabuksan ng mga operatiba ang sling bag ni Beley at kusa naman itong binuksan.

Doon lumantad ang kanyang calibre .45 pistol na may lalagyan ng bala.

Ipinakita ni Beley ang mga papeles ng kanyang baril maging ang permit to carry, subalit dahil sa gun ban na ipinatutupad ay naaresto din siya.

Kaya naman pinapayuhan ni Chief Superintendent Amador Corpus, Police Regional Office III director ang mga gun owners na huwag muna magdala nang baril hanggang sa matapos ang election gun ban.
style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="1977900730">



style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="4158864647">


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph