SECTIONS
Friday August 17, 2018

Kapuso stars, unsay first impression nila sa Cebu?

ANG ila rang nahibaw-an nga sikat ang Cebu sa lechon, danggit, ug dried mangoes. Apan human sa pila ka adlaw nilang shooting sa isla sa Bantayan ug ubang dapit sa Sugbo alang sa GMA’s upcoming primetime offering, “Inday Will Always Love You”, daghan silang nadiskubre nga wala nila damha. Sila ang pipila sa cast sa bag-ong rom-com teleserye sa Kapuso Network nga nakighinabi sa mga entertainment press sa Sugbo. Nisaad silang mobalik pa sanglit 80% sa estorya dinhi ipahigayon sa harang dakbayan. Inday Will Always Love You, Ssssuper Ka!
 
GLADYS REYES: Ang first impression ko, ang alam ko lang dati ang beach dito Plantation Bay. Yun palagi ang wish ko na, “uy gusto kong pumunta ng Cebu kasi maganda raw sa Plantation Bay.” Pero hanggang ngayon hindi pa ako nakapunta ng Plantation Bay. Pero ang dami ko ring na-discover, like Kota Beach (Sta. Fe), kung saan napag-shootingan din before ng isang movie, ito pala yun, wow ang ganda rin. Hindi nga siya yung merong may buhay na nightlife, pero yun yung parang sa isang katulad ko na nanay, parang mas gugustuhin mo na dalhin at makita ng mga anak mo, di ba? Kasi yung katahimikan ng lugar yung makipag-bonding ka ng family mo yun yung right place, di ba? Para ma-appreciate din ng anak mo yung nature. Sabi ko nga yung kalinisan ng tubig na sa ibang mga lugar na mga sikat na mga beach medyo unti-unti ng nawawala na malaking problema ngayon ng gobyerno. Yun yung na-discover ko na napakaraming magagandang beach pala dito sa Cebu. 
 
JUANCHO TRIVINO: Actually, I lived in Cebu for two years pero way back batang-bata pa ako. I have actually friends here at sinabi ko sa kanila noong bumalik ako na ang ganda ng Cebu parang Alabang, Fort Bonifacio (Taguig) at Makati. Noong nag-ikot kami ni Direk (Monti Parungao), napakaganda ng mga mall at tsaka maraming magagandang Cebuana.
 
BARBIE FORTEZA: Ako naman po maraming beses na po akong nakapunta dito sa Cebu para sa mga regional shows, mall shows pero palagi na airport, hotel at mall lang. First time ko talagang naikot yung buong Cebu. There is so much to see at babalik po ako dito para magbakasyon. Ngayon kapag tatanungin ako kung nakapunta na ako ng Cebu proud ko nang masasabing, “oo nanggaling na ako sa Cebu.”
 
KIM RODRIGUEZ: Ako rin po nakakapunta lang ng Cebu pag may regional or mall shows, minsan pa nga fly-in, fly-out po, kaya medyo di na namin nae-explore ang Cebu. Pero ngayon po, ilang days na ba tayo? (9 days), sobrang na-amaze ako kasi ang alam ko lang sikat dito yung danggit, dried mangoes, pusit, pero marami palang magagandang tourist spot dito na hindi crowded na puwede kang mag-unwind.
 
LUMEN TWINS (CHARLOTTE UG CHARISSE HERMOSO): First time lang po namin pumunta dito sa Cebu, yung mga friends namin sinasabi nila, “uy maganda sa Cebu, promise punta ka doon.” At di po sila nagkamali kasi super ganda nga ng Cebu, sa Bantayan pa lang tuwang-tuwa na kami, ang linis hindi katulad ng ibang island na polluted na nga po.
 
SUPER TEKLA: Ako as a comedian, halos naikot ko na po ang Luzon, Visayas at Mindanao. Nakapunta ako, nakatira ako, nakaikot ako, but Cebu is uncomparable. Because once ang lugar is traffic, that means progressive. Kasi buhay yung kalakalan ika nga.
 
RICKY DAVAO: Ang maganda dito pinakita sa character ko yung beauty ng mga Cebuano, hindi lang yung panglabas kundi yung lalim pangkalooban: matulungin, nakikipag-share, loving, honest, very positive, gusto masaya lang palagi.
 
TINA PANER: Ang masasabi ko naman itong Cebu is second home ko dahil my dad is from Cebu. Siya’y taga-Naga sa Naalad. The last time na nag-stay talaga ako dito for a month or two, mga 12 years old pa ako noon. Well, actually maliit pa naman ako hanggang ngayon. Ngayon ang dami ng development, marami ng magagandang mapupuntahan. See, di ko nga alam na city na pala ang Naga. Sabi nga ni Sis Gladys kung ako bilang nanay gusto ko yung area like yung Bantayan kasi napakatahimik magkakaroon kayo ng time for bonding, kasi yung daughter ko mahilig din sa dagat, so yun talaga yung perfect place for me kasi I’m just a simple person na kapag walang trabaho sa loob lang talaga ng bahay, gusto ko lang tahimik with my daughter around.


VIEW COMMENTS