Sapnu: Sa pag-upo ni Albayalde inaasahan ang pagbalasa

Maraming nagtatanong kung sa pag-upo ngayon (Thursday) ni Director Oscar Albayalde bilang kapalit ni Chief PNP Director General Ronaldo “Bato” Dela Rosa magkakaroon ng malawakang pagbalasa sa hanay ng mga provincial at city police director sa rehiyon.

Magkakaroon ng turn-over ceremony ngayon sa National Headquarters sa Camp Crame na kung saan inaasahan dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi nga ng mga police officers sa Central Luzon, sa pag-upo ni Albayalde inaasahan na ang gagawin nitong pagbalasa sa mga provincial at City police director.

Kung baga iyong daw mga naupo noong panahon ni Bato ay maaaring ma-relieve sa kanilang puwesto.

Ito’y dahil sa pagretiro ni Bato at ang uupong Chief PNP ay Kapampangan.

Maaari daw ang mga naupo noong panahon ni Bato ay inaasahan palitan ng bagong Chief PNP.

Kaya naman ang mga dating nakatrabaho ni Albayalde noong nasa Pampanga siya ay maaaring mabigyan ng tsansya magkaroon ng magandang puwesto sa PNP.

Hanggang sa kasalukuyan ang mg miyembro ng Philippine Military Academy Class ’86 ang nabibigyan ng magandang puwesto.

Sa pag-alis ni Albyalde bilang director ng National Capital Regional Police Office, sino kaya ang kanyang kapalit?

Noong araw, matunog na si Chief Superintendent Amador Corpus, Police Regional Office-3 (PRO3) na siya ang papalit kay Albyalde kung malalapit ito sa mataas na puwesto.

Kaya naman ang mga police officers sa Camp Olivas ay inaasahan na ang pagpuwesto ni Corpus as NCRPO chief.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph