Sapnu: Mga proyekto ng PRO3 re-construction of New Police Stations

SIMULA nitong taon, mga bagong Police Station ang itatayo ng Police Regional Office-3 (PRO3).

Noong nakaraang Disyembre nagsimula ang bidding ng mga police station na kung saan ilang kontratista ang sumali at nagbigay ng kani-kanilang mga presyo.

At siyempre ang mababang presyo ang mananalo sa mga nasabing Police Station projects ng PRO3.

Ilan milyon piso ang gagastusin ng Philippine National Police sa nasabing proyekto ng PRO3.

Sang-ayon kay Superintendent Cirilo Acosta Jr., head secretariat ng Office of the Regional Logistics and Research Development Division (ORLRDD), karamihan sa mga itatayong Bagong Police Station building ay pawang two-storey.

At karamihan nitong mga police station ay itatayo sa mga donated lot ng Local Government Unit’s (LGUs) o pribadong indibidwal, ayon pa kay Acosta.

Noong Disyembre umaabot sa 11 police station ang isinilalim sa Regional Bids and Awards Committee (RBAC).

At halos ang mga nanalong mga kontratista ay nagsimula na rin sa kanilang proyekto.

At kahapon (Miyerkules) isang bidding process na naman ang inilunsad na ginanap sa PRO3 Multi-Purpose hall ditto.

Ang bidding ay mga Type B/C Municipal Police Station.

Walong police station ang pinag-usapan sa bidding kabilang ang Police Stations ng Laur, Dingalan, Paniqui, San Clemente, Malolos, Baliwag, Angat at Sto. Tomas ng Pampanga.

Ang halaga ng gagawin police station ay aabot sa P4,886,463.32. Samantalang ang budget para sa police station ng Paniqui ay P7,843,500 at ang pinakamataas ay ang Malolos sa halagang P14,304,465.00 ito’y dahil malaki ito na may sukat 12/12.

Ang miyembro ng Regional Bids and Awards Committee ay kinabibilangan nina National Police Commission (NAPOLCOM) director, Rodolfo Santos, Commission on Audit, Imelda Latay; Regional Accountant Illuminada Sarmiento; President United Architect of the Philippines – AR Rollan Joseph Mallari; President Philippine Institute of Civil Engineer – Nelson Lingat; at ang Iyong Lingkod.

Sana mga kontratista gagawa ng mga police station ay gawin ninyo ng tama ang building dahil ang Dateline ay imomonitor po kayo.

style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="1977900730">



style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="4158864647">


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph