SECTIONS
Wednesday, August 21, 2019

Sapnu: Annual inspection of issued firearms

NOONG nakaraang linggo, sinimulan ng PNP National Headquarters, Camp Crame ang pag-inspeksyon sa mga Issued Firearms ng lahat ng PNP personnel sa buong bansa.

Ito upang malaman ng kinauukulan kung nasa PNP personnel pa rin ang mga inisyu mga baril ng PNP Camp Crame Logistics Office na hawak pa rin ng mga ito.

At noong Huwebes, personal na dumating sa Police Regional Office-3 (PRO3) si Police Director Juanito Vano Jr., director for logistics ng PNP National Headquarters.

Ang kanyang pagbisita sa PRO3 ay upang tignan nito ang ginagawang pag-inspection ng kanyang personnel.

Sa PRO3 maganda naman ang prosesong isinagawang pag-inspeksyon ng mga baril sa mga PNP personnel sa PRO3 headquarters. Ang pag-inspeksyon ng mga baril ay isinagawa din sa mga Provincial at City Police Offices sa rehiyon.

Pag-inspeksyon ni Vano sa Regional Public Safety Battalion (RPSB3) kasama sina Chief Superintendent Benjamin Hulipas, Deputy Regional Director for Administration, Senior Superintendent Israel Ephraim Dickson, chief of Directorial Staff, Senior Superintendent Edgardo Cacayan at Dateline, naging matagumpay at kumpleto naman ang isyu mga baril sa personnel ng RPSB3.

Sang-ayon kay Vano, kada taon isinasagawa ng pag-inspeksyon sa mga issued firearms upang matiyak na walang baril na “missing.”

Kapag ang isang pulis ay hindi naisumite ang kanyang issued gun ay iimebesigahan muna at tapos siya ay kakasuhan ng karampatan kaso, ayon pa kay Vano.

Ayon pa kay Vano hindi lang issued firearms ang iniispeksyon ng kanyang tanggapan maging ang mga ibang inisyu pa ng PNP Crame kagaya ng boots at iba pa.

Kailangan kumpleto ang mga ito dahil sila’y makakasuhan kapag “missing” ang mga ito.

At upang matiyak ang issued firearms sa PNP personnel ay hindi nawawala, “every now and then there will be inspection,” pahayag ni Vano sa Dateline…

style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="1977900730">



style="display:block; text-align:center;"
data-ad-layout="in-article"
data-ad-format="fluid"
data-ad-client="ca-pub-2836569479021745"
data-ad-slot="4158864647">


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph