Aljur Abrenica: Mapalandungon taliwa sa mga intriga

Published on

SUNOD-SUNOD ang kontrobersiya karon ni Aljur Abrenica. Human sa away nila ni Geoff Eigenmann, karon na sad siya ang giingong third party sa break-up ni Louise de los Reyes ug Enzo Pineda. Si Ajur ug Louise matod pa nagka-developay sa ilang top-rating seryeng “Kambal Sirena” sa GMA-7. Nisamot og bukal ang kawa sa mga intriga tungod sa break-up ni Geoff ug Carla Abellana ug ang iyang uyab nga si Kylie Padilla ang giingon sad nga third party. Apan sa wa pa niboto ang tsismis nila ni Louise, atong na-interbyu ang aktor atol sa promo tour sa “Kambal Sirena” sa Cebu. Atong himbisan beh kon unsa ka tinuod ning ilang mga chika. Aljur Guiang Abrenica, Super Ka!  

Kumusta kayo ni Louise sa set sa Kambal Sirena?

Sobrang saya. Sobrang iba yung energy niya sa set nakakahawa, yung motivation n’ya as an actress sobrang nakakabilib. She’s one of the Kapuso actresses na hats off talaga ako sa sobrang sipag nya.

Mayroon kayong kissing scene?

Actually, marami po.

Hindi ba nagseselos si Kylie?

Hindi naman. She’s mature enough and she knows that I’m just doing my job.

Kumusta kayo ni Geoff Eigenmann after the conflict?

Maayos naman. Tao lang naman ako, nadala lang ako ng emosyon nung time na yun, tsaka inadmit ko mali yun. Hindi ko siya pinagsisisihan pero sana hindi ko na lang sinabi kasi maraming naapektuhan, maraming nasaktan.

Bakit nasabi mong hindi mo pinagsisisihan?

Di ba may mga tao rin kayong mahal? Hindi naman kayo nagkukulang ng paalaala, di ba?

Alam nyo naman yung nagtitimpi. Hindi yun dahil sa selos, ginawa ko yun dahil sa respeto. Doon tayo nagkulang eh.

Nag-usap na kayo ni Carla Abellana?

Hindi pa.

What about si Kylie, anong sinabi sa `yo?

Puwede sa amin na lang yun?

Yung dad (Robin Padilla) ni Kylie, hindi ka ba binigyan ng advice?

Wala pa pero ang dami kung natutunan sa kanya, yung words of wisdom sa buhay, sa buhay artista. So far, happy ako sa pakikitungo n’ya sa akin.

Tutuo bang pinatawag kayong dalawa ni Geoff sa management ng GMA?

Wala naman, masyado lang pinalaki. May ganoon bang balita talaga?

For the record, kayo pa rin ni Kylie?

Oo, tumawag pa nga siya nung birthday ko nung March 24. Sana daw nandito siya kasi nagbabakasyon siya ngayon sa Australia, sa April 20 pa ang balik niya.

Wala pa kayong balak mag-settle down?

Settle down na kaagad, mga bata pa kami. She’s only 21, I’m 24.

Hindi ba muslim si Kylie?

It doesn’t matter kung anong religion pangalan lang naman yan. Ang importante yung relasyon mo sa Diyos. Bakit ka pa magre-relihiyon kung wala ka namang relasyon sa Panginoon?

Anong religion mo?

My family is a Catholic. I attend mass in a Catholic church and at the same time nagki-Christian din ako. Catholic pa rin kasi nabinyag ako ng Catholic.

Ngayong Semana Santa saan ka magbibisita Iglesia?

May shooting ako eh. Hindi ko alam kung may taping ang Kambal Sirena sa Holy Week pero itong sa akin pelikula. Hindi ko puwedeng sabihin kasi confidential pa. Basta tie-up ng GMA Films. Very honored ako na makatrabaho siya. (Ang gipasabot ni Aljur mao ang “Cain at Abel” diin iyang maka-partner si Alden Richards. Sigon sa GMA source nga nagsugod ang ilang shooting gahapon, Abril 15.)

So far, anong project mo na tumatak talaga sa `yo?

Ang di ko makalimutan yung “Dapat Ka Bang Mahalin?” in 2009 with Kris Bernal… yun yung first break namin ni Kris. At tsaka hanggang ngayon kami pa rin yung may hawak na highest TV rating sa afternoon slot, wala pang nakaka-beat sa record.

Ang kapatid mong si Vin Abrenica nasa TV5 pa rin?

Oo, he’s doing Beki Boxer from Monday thru Friday na action-packed comedy na parang My Husband’s Lover.

Ikaw ang bread winner sa family?

Hindi naman hati naman kami sa expenses sa bahay pero magkasama kami sa isang bubong with my parents.

Yun ba yung bahay n’yo sa Quezon na nanakawan kayo last year nung nagbakasyon kayo sa Batangas during Holy Week rin?

Iba na yun, umalis na kami doon.

Hindi ba kayo natakot na tinapatan kayo ng Dyesebel?

Hindi na namin iniisip yun, basta focus lang kami sa mga character namin with the help of our Director. Pinag-iigihan lang namin para mas maa-appreciate ng mga manonood at patuloy nilang aabangan pa ang mga susunod pang episode.

Sinong karakter ang makakatuluyan mo sa “Kambal Sirena?” Si Perlas o si Alona?

Kahit ako hindi ko rin alam. Kasi it’s an original story eh, kung ano man yung alam ko sabi nila puwede pang mapalitan. Kaya mas mainam na panoorin n’yo dahil marami pang kapana-kapanabik na mangyayari. 

SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph